Chapter SEVEN

25 2 0
                                    

Claire's POV

Ramdam na ramdam ko yung lamig sa bandang paa at likod ko. Kaya hinatak ko yung nakapa kong kumot na medyo natanggal na pala sa katawan ko.

Naririnig kong may maingay. Hindi ko masyadong maintindihan yung pinaguusapan nila dahil naalimpungatan lang naman ako.

Hindi ko pa rin dinilat yung mata ko at nakinig na lang ako sa kanila.

"Ay oo 'te! Ang sweet nga!"

Tapos nagtawanan sila. "Oo naman! Who would have thought na yung lalaking yun magpapakasuperhero sa kanya diba?!"

"Tama. Boyfriend na boyfriend ang dating. Eh diba kailan lang naging sila?"

"Yeah yeah."

Mukhang alam ko na yung pinaguusapan nila. Dinilat ko ng kaunti yung mata ko para silipin sila. Nasa kaliwa ko ang mga nagtsisismisan na sina Minnie, Lilly, Finnie at Reeree.

Tuloy pa rin sila sa pagkekwentuhan. Parang pagod pa rin yung pakiramdam ko. Naisipan ko na lang na ituloy ang pagpapahinga ko.

"Pero alam niyo girls, I am so certain na may nangyari na sa dalawang iyan." Alam kong boses ni Monique yun.

"Huh?!" sagot ng ibang girls. Miski ako nagulat. Kinontrol ko ang sarili ko para hindi nila alam na gising na ako.

"Ano ba naman iyan girls. Di niyo ba naisip? Ayon kay ate Ali, hinatid ni Charles si Steff sa bahay niya." tumawa siya pagkatapos.

"Okay?" boses ni France yun.

"Anong gusto mong ipahiwatig?" boses naman ni Leila.

Tumawa muna si Roxanne. Halata sa boses eh. Matinis. "Grabe? Para hinatid lang eh. Ito talaga utak nito eh. Hahaha. Kung anu-ano agad iniisip."

"Ano ba kayo? Diba sabi ni Steff sinabihan niya si Charles na pwede nilang gawin yung mga usual na ginagawa ng mga couple?"

"So? Ibig mo sabihin, possible na may nangyaring something na sa kanila kaya lumalim yung relasyon nila para iligtas siya ni Charles?" pagtatanong ni Leila.

Loko talaga itong mga ito!

"Ah-huh. Tam-..." sagot ni Monique na agad namang naputol dahil sumingit na ako sa usapan.

"Ano ba iyang pinagsasasabi niyo?!" Napabangon na ako mula sa pagkakahiga. Wala talagang magawa 'tong mga ito. Isipin pa raw ba na ganun? Anong tingin nila sa akin?! Kaasar.

Natahimik sila saglit dahil malamang nabigla sa akin pero mga three seconds nakalipas, eh nagtawanan na naman sila.

"Ano?!" sigaw ko sa kanila. Loko-loko talaga itong mga ito. Isipin pa raw bang ginawa na namin yun. Kainis! Inirapan ko sila at pinilit na magpumigil sa pagtawa.

Pero... "Pfffftt! Hahahahahaha!"

Okay. Whatever.

"Bakit?!" tanong ni Monique sa akin habang nagpipigil pa rin ng tawa.

"Wala kayong magawa! Eh sa hindi pa nga eh. Pwede kung magchichismisan kayo lumabas nalang kayo nang makatulog pa ako!" sigaw ko sa kanila. Natigil na sila sa pagtawa pero ngayon yung mga expression ng mukha nila ang lakas mambwiset.

"Baka meron nga?!" malakas na sabi ni France habang nakatingin at nakahawak pa sa braso ni Leila. Ang OA ah?

"I think so." umiiling-iling pa si Leila nang sumagot kay France.

"Ano ba kayo girls? Syempre wala! Aysus. Tigilan niyo ako." sigaw ko na naman sa kanila. Mga bwiset talaga itong mga bruhang ito.

"Eh bakit defensive ka masyado?" tanong ni Roxanne. Nagtawanan na naman sila.

Until I met HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon