Claire's POV
Hindi ko talaga maintindihan yung mga pinagsasasabi ni Jake maging pati yung ikinilos niya. Masyado siyang nagcoconclude agad eh wala pa nga. Tsss.
Nakaramdam tuloy ako ng pagkahiya. Totoo naman kasing ako yung nagsabi kay Charles kung pwede bang maging kami eh. Haaaay! Bakit ko ba kasi ginawa yun?! Bakit ko ba naisip yun? Nakakahiya! Sino ba namang matinong babae ang gagawa nun?
Napangalumbaba ako gamit ang dalawang kamay habang nakatingin lang sa sahig.
Ano ba, babawiin koba? Paano? Hindi ko alam kung paano. Eh ayoko na ngang makita yung pagmumukha ng bwisit na yun eh tapos haharap pa ako sa kanya para lang sabihin na kalimutan nalang lahat ng pinagusapan namin sa Riverside. Tapos nagdate, ay mali, gumala pala. Tama! Gumala lang kami nun! Gumala pa kami pagkagaling namin sa park. Haaaaays! May utang na loob pa ako sa kanya. Nakipagbugbugan siya para sa bag ko. Ano ba naman kasing katangahan yan Steff eh!
Masyado na akong nago-overthink! Kailangang mabura na ito sa utak ko. Ugh!
Ginulo ko yung buhok ko sa sobrang pagkalito.
"Uy."
Nabalik ako sa realidad nang marinig kong nag-uy yung katabi ko. Si Titania.
"Hehe-hehe. Wala ito. Wag mo ko intindihin." I fake laugh. Nakakahiya naman. Nakalimutan kong andito pala ako sa school. Buti naman wala na yung prof. Hindi naman kasi ako nakinig kanina at hindi pa rin ako makaiwas sa pagiisip. Bakit ba kasi ang tanga ko?
Paulit-ulit.
"Ano ba nangyayari sa iyo? Buong time ng english, lutang ka diyan." halatang-halata sa mukha niya na takang-taka siya.
"Ah." ngumiti ako sa kanya "Wala nga." umiiling iling ako.
"Sure ka ah. Sige una na ako. Dismiss naman na eh." tumayo siya at kinuha yung bag sa upuan "Ikaw? Wala kapa bang balak tumayo diyan?"
"Ah hindi." tumayo na rin ako at saka pinaglalagay sa loob ng bag ko lahat ng librong nakalagay sa desk ko. "Aalis na rin ako eh. Sige bye!" naggoodbye na ako sa kanya tapos tumakbo na ako papunta sa ladies' cr.
Nagayos lang ako saglit at lumabas na rin agad. Ayoko na magtagal pa dito sa school. Kailangan ko nang umiwas sa kanya. Hindi na ako ulit magpapakita. Malaki naman ang University na ito eh. So, possible talaga na hindi kami magkita.
Tama. Tama. Tama iyan Steff.
*BUMP*
Oooppps.
Nanatili lang akong nakayuko. "Ah sorry." Lumakad na ako ulit. Wala namang mamamatay sa pagkakabunggo lang eh.
Dali-dali akong bumaba ng hagdan. Kaso, habang nagmamadali akong humakbang pababa ay...
"Aaaaaaah!" ouch. Kamalas-malasan nga naman oh. Ang tanga nga naman talaga oh!
Sa kamamadali kong bumaba, medyo natapilok ako kaya nadulas ako pababa ng hagdan.
Napansin ko namang agad na may lumapit sa akin.
"Okay kalang ba?" hinawakan ng nagsalita yung kamay ko at inalalayan ako.
Dahil sa may bandang hawakan naman ako nadulas, kumapit ako sa hawakan para makatayo.
Tinignan ko muna kung sino ba yung tumulong sa akin.
Pero...
Bakit ba lagi ko na lang siyang nakikita?! Kailangan ba talagang siya? Kainis naman. Wala ring kwenta yung pagtatago at pagiwas ko.
Kung sino pa nga bang iniiwasan ko, eh siya pa talaga yung makikita ko. Kainis.
Napapangiwi nalang ako sa sakit ng balakang at paa ko. Nabalian yata ako. Ano ba naman iyan? Tsk!
