Chapter THREE

47 3 0
  • Dedicated kay Michael Angelo Fanergo Azada
                                    

a/n: Maraming salamat po sa mga nagbabasa. Vote vote na rin :)))) Salamat ulit!

---

Claire's POV

Naglalagay ako ng lipstick sa harap ng malaking salamin sa kwarto ko nang marinig ko yung katok mula sa pinto.

"Bakit?" Dalawa lang naman kami dito sa bahay kaya naman alam ko na kung sino yun.

Kita ko naman sa peripheral view ko na pumasok na si ate Ali pero nakatayo lang siya dun sa may pinto. "Matagal kapa ba diyan Steffany kasi sabi mo kanina 4:15 ka aalis eh. 4:40 na."

"Oo na, ito na!" Kaya naman pinaglalagay ko na yung lipstick saka face powder lang kasama ng wallet, cellphone at panyo sa maliit kong shoulder bag at lumabas na kami pareho ng kwarto.

Umupo na ako sa back seat.

"Ate sa Riverside Park ah."

"May date ka? Bakit dun? Ang cheap." tapos narinig ko na siyang tumatawa ng mahina, loka loka to ah?

"Tumigil ka nga! Di date yun!" nakatingin siya sa akin sa rear mirror kaya naman nairapan ko siya pero tawa pa rin siya ng tawa. Tsss.

"Baka mamaya niyan Steff, umuwi ka na lang na may boyfriend." tawa na ng tawa yung loka-loka. Di ko na lang pinansin.

5:25 na nang nakarating ako sa park, medyo traffic kasi. Kaya naman bilis bilis na akong lumakad papasok nang park.

Ang dami namang couples na nandito. Mayroon pang mga estudyante ng University na pinapasukan ko, mga nakauniform eh.

Lakad lang ako ng lakad. Ang layo naman kasi ng dulong bench mula sa entrance eh. Bakit ba kasi dun pa niya naisip? Nakakatakot naman siya, baka mamaya kriminal pala yun! Halaaaa?! Wag naman!

Malapit na ako ngayon sa last na bench, malayo pa nga lang nakikita ko nang may lalaking nakaupo dun eh. Baka yun yung kriminal?! Dapat pala nagsama ako eh para naman safe! Tsk! Panyo na lang naman kasi yung ibabalik bakit kailangang dito pa pwede namang sa school nalang! Kung hindi lang talaga mahalaga yung panyong yun eh! Asar!

Three meters away nalang ako sa kanya. Busyng-busy siya magscroll ng something sa cellphone niya. Nang biglang...

"Aarrgh!!! Bag ko! Yung bag ko! Snatcher!" tatakbo na dapat ako para habulin yung magnanakaw kaso yung lalaking nakatalikod kanina hinawakan yung balikat ko tapos siya yung humabol sa lalaki. Hindi ko naman nakita yung itsura niya.

Ang bilis ng mga pangyayari. Nagpapanic na talaga ako. Gusto ko ring habulin yung lalaki kaya sinubukan kong tumakbo kaso ang bagal ko pero natuwa naman ako dahil kitang kita ko mula sa malayo na nahabol nung lalaki kanina yung snatcher!

Yeeees! Kaya tumakbo na ako palapit sa kanila. Nagsasapakan na silang dalawa. Nasapak siya pero buti hawak niya pa rin yung damit kaya di nakawala tapos siya naman yung sumuntok. Hanggang sa mapahiga na ito sa lupa tapos nakita ko yung mukha nung magnanakaw na duguan na yung labi. Naagaw niya na yung bag mula sa snatcher. Dumating naman agad yung mga security guard para hulihin na yung magnanakaw na yun.

Habang hawak hawak na nung dalawang  SG yung braso nung snatcher, lumapit ako para man lang masampal siya!

Nakita ko namang nagulat yung mga SG pero wala na akong paki. Mahalaga sa akin itong Prada bag na ito no! Bigay pa ito ni mama sa akin.

Nang makaalis na sila, hinanap ko naman yung lalaking humabol dun sa snatcher. Grabe! Dalawa na agad utang na loob ko sa kanya.

Pero teka! Asan naba siya? Baka naman siya na yung nagtangay ng bag ko?! Modus Operandi nila?! Nako!

Until I met HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon