a/n: Hello? Sorry sa matagal na update. Pero ito na talaga. Si Monique muna ang magkekwento :))))
- Lovelots
~~~~~~~
Monique's POV
Two weeks after nang magBNY kami with Jake, ay maraming nangyari na nakakaengot. Naikwento naba sa inyo ni Steff? Malamang hindi pa. Kaya ako nalang.
Ganito kasi, si Steff lang yung pinakanalasing sa amin. Tsss. Ang dami-dami niya kasing ininom na alak nung matapos siyang kantahan nung lalaking kinabwisitan niya sa BNY. Tapos nagsasalita na siya ng, "forever? hihihihi. Uso ba yun? May ganun bang something?" Ewan ko ba! Biglang nagdrama. Kapag tinatanong naman, hindi nagsasalita. She was whining about 'babe' and 'forever'. Arggh! Kung hindi ko lang siya kaibigan iniwan ko na siya dun magisa eh!
Pero dahil itong si Jake ang iisang lalaking kasama namin noon, siya na naghatid dahil ayos lang naman na gabihin siya.
Tapos ilang araw nakalipas, nagovernight kami sa bahay nila Roxanne. Actually, madalas naman talaga kami dun eh. Meron kasi siyang media room kaya nanuod kami ng 'The Conjuring'. Mas naging close narin sa grupo si Jake kaya nga siya yung parang kuya-kuya eh. Okay na rin yun. Atleast hindi na mababarkada si Jake sa mga puro DOTA lang ang alam. Tsss.
Tapos may laban yung San Miguel Beer sa Rain or Shine at Ginebra laban sa Barako Bull noong nakaraang linggo kaya nanuod kami. Eh ang gusto ko saka ni Steff, eh yung San miguel beer Tapos ito namang si Roxanne at Leila, gusto yung rain or shine. Itong si Jake lang ang Ginebra at si France wala namang team na gusto. Ansaya nung araw na yun! Nanalo kasi beermen, tapos tawa kami ng tawa kay Roxanne dahil kilig na kilig siya kay Beau Belga. May signature move kasi siyang nambabaril. Tapos sumigaw ba naman siya ng, "Beau Belga! Nabaril mo na naman puso ko! I love youuuuuuu!" Hahaha. Tapos si Claire hindi nagpahuli, sumigaw ng 'Ang galing mo talaga baby Arwind!' nang makashoot ng three points si Arwind Santos. Tinginan tuloy sa amin mga tao. Langya.
Nakakatuwa talaga dahil close na si Jake na kaibigan ko talaga simula pa ng high school sa mga kaibigan ko ngayong sina Sissy. Nagtransfer kasi siya nung magti-third year na kaya nagkahiwalay na kami tapos dun ko na nakilala paisa isa sila Sissy, Reeree at iba pa. Sa facebook lang kami unang nagkacommunicate tapos lately ko lang nalaman na sa Fareleigh Dickinson University rin pala siya nagaaral. Tsss. Di ko talaga alam dahil hindi naman niya nababanggit. Loko talaga yun.
And speaking of him...
Hays. Breath in... breath out. Hingal na hingal na ako kaiikot sa buong university. Pagkalabas na pagkalabas namin sa Shakey's eh saka na ako naghagilap sa kanya. Ang arte naman kasi eh. Saan kaba hahanapin? Naasang sulok kaba ng mundo ngayon ha?! Urrgh!
Ang drama drama naman kasi niya eh. Ano bang klasing utot ang nasingot ng Jake na yun at biglang nagdrama with matching walk out pa? Kung anu-anong kaekekan pa yung mga pinagsasasabi niya. Duh.
Haynako.
Kung saan-saan na ako naglibot nang makita ko sa may drinking faucet yung mga classmate niya. Kaya lumapit ako sa kanila.
Syempre. Wala nang hiya-hiya. Tutal madalas naman nila akong makita na kasama si Jake eh. Wala namang masama kung magtatanong ako sa kanila diba?
"Excuse me." nang marinig nila yung boses ko, lahat sila naglingunan. Nakatalikod kasi sila sa akin eh. Mga lima sila at lahat pa sila may itsura. I mean, hindi panget hindi rin naman sobrang gwapo. "Nakita niyo ba si Jake? Jake Ellis?"
"Oh? Ikaw ba yung girlfriend ni Jake?" sagot nung isang lalaki na bad boy tignan. Tipoooo! Hahaha.
Pero? Girlfriend?!
