"Good morning miss. Kukuha po ako ng scholarship exam. What room po?", tanong ko.
Ngumiti siya. At may malunggay pa sa ngipin niya. Nagtoothbrush ba siya?
"Sandali lang po ha.", itinaas niya ang kamay niya. At wow, nakakita ako ng pugad. Biglang lumaki ang mga mata ko. Sana nagshave naman lang siya pag may time.
"Tinatanong ni miss kung saan ang room na kuhaan ng scholarship exam.", sabi niya.
"Ah. It's on our third room to the right, miss.", sagot ng lalaki na nakaformal attire. Ang gwapo, mestizo.
"Ah. Ganun ba.", inipit ko ang aking buhok sa aking tenga at ngumiti sa kanya. Oy, hindi ako nagpapacute ha.
"You had malunggay for your breakfast this morning, didn't you?", tanong niya sa babae. Nakita niya rin pala
"Ha? No. That was yesterday's lunch.", sagot ng babae. Pinigilan kong tumawa.
"Sige. Alis na ako..", ngumiti ako at lumakad paalis habang tinitignan ang lalaki. Ang gwapo talaga.
Pagdating ko sa room. Nakita ko si Lizzie at nakiupo sa kanya.
Parang nanotice ko na parang, pinipigilan niya sarili niyang tumawa?
"Alam mo, nakakita ako ng gwapong lalaki.", sabi ko, napapakilig.
"Ah. Kaya pala.", sagot niya.
"Kaya pala ano?", tanong ko.
"Kaya pala hindi dugo ang tumulo sa ilong mo, kundi sipon.", sabi niya.
"Ha?", hinawakan ko ang ibaba ng ilong ko at may sticky fluid na nahawakan ko. "Eeehhhhh!!"
"Toni! Gumising ka! Kundi bubuhusan kita ng tubig!", nagising ako sa sigaw ni kuya.
"Kuya!!", bilis akong umupo. "May sipon na tumutulo sa ilong ko?", tanong ko ng mabilis.
"Ha? Anong nangyari sa'yo? Nilalagnat kaba?"
"Kuya naman eh! Sagutin mo na ang tanong ko.", sabi ko habang hinihila ang kanyang damit.
"Kung may sipon naman talagang tumutulo sa ilong mo, edi sana ginawa ko na yong glue para dikitin ang bibig mo kagabi. Ang ingay mo kasi.", sabi niya. Sinuntok ko ang balikat niya at tumayo. Tumawa lang siya.
"Maligo kna. Malalate ka na.", sabi ni kuya at umalis sa kwarto.
Pagkatapos kong maligo, nagbihis at nag almusal.
"Alis na ako ma.", sabi ko kay mama at kiniss ang pisngi niya.
"Alis na ko pa.", kiniss ko si papa.
"Mag ingat ka ha.", sabi ni mama.
"Opo.", sagot ko.
"Uy. Paano naman ako? Wala akong kiss?", pahabol ni kuya.
"Kiskisin kita kaya diyan.", sabi ko. Napatawa sila. Ngumiti ako at umalis.
Nilakad ko lang papunta sa school since malapit lang ang skwater sa school. Oo sa skwater lang kmi nakatira, mahirap kasi ang buhay ngayon.
Pagdating ko sa school dumiretso ako sa first period namin, English. Favorite subject ko yan kaya minsan manonotice mo na nag-eenglish ako. Sosyal na tagaskwater no?
"Ton-ton!!", tawag ni Lizzie.
"Lizzie!", tawag ko sa kanya. Parang long time no see lang eh.
"Namiss kita.", sabi ni Lizzie.
"Ang OA mo naman. Dalawang araw lang naman tayong hindi nagkita."
"Sinong mas OA sa atin? Iniyakan mo yung ballpen mo na nawala."
"Oy. Syempre naman. Ang mahal kaya ng mga ballpen ngayon tsaka, special yung ballpen na yun sa akin.", sabi ko.
"Mayroon siyang hindi sinasabi sa akin oh. Ano yun?"
"Wala.", sagot ko. "Uy. Si Elfie oh. Hi Elfie!", iniba ko ang topic. Mahirap na baka kulitin ako ng makulit na to.
Ganyan talaga kami dalawa, bestfriends since high school eh. Kaya masanay ka na. Haha. Mas grabe pa to kung mahyper kaming dalawa. Sure ako you will really find us annoying and noisy.
Ilang minutes ng chika-chika, dumating na si favorite teacher. At yun nagstart na kami sa lesson namin.
Mga after 4 hours natapos ang four subjects namin for the morning. At doon ang time na maglulunch na kami.
"Gusto niyong sumama sa amin maglunch?", tanong ni Elfie.
"Please. Kami lang namang tatlo ang kasama niyo eh.", sabi ni Kristine.
"Sige.", sagot ni Lizzie.
Naglunch kami sa likod ng building. Doon sa mga stone bench and table. Pagkatapos ng lunch, syempre chika time. Ganyan talaga basta girls.
"Di nga?", tumawa si Kristine.
"Oo nga. Ginawa ko yun.", sabi ni Irish.
"Hindi ko yun magagawa kung ako yun.", sabi ni Lizzie.
"Guys, did you know? May artista na nagtransfer dito sa atin? Nabasa ko kasi sa newspaper. Nag-enroll daw siya dito nung Saturday.", sabi ni Elfie. Sino kayang artista to?
"Talaga?"
"Gustong-gusto ko talaga magkaschoolmate na artista."
"Mas maganda kung classmate natin siya."
"Sino bang artista ang tinutukoy mo?", tanong ko.
"Si...Omygosh. I can't even say his name."
"Si RED PHILIPS!", kilig na kilig sila. Red Philips. Ang lalaking pinakaayaw kong makita sa buong buhay ko, nasa school na ito?
"OMYGOSH! Ayun siya!", sabay turo ni Elfie.
Siya nga. Si Red Philips. I can't believe marami pa rin ang naghahabol sa kanya. I feel sorryfor those girls.
"KYAAAA! Tumitingin siya dito.", kinilig si Kristine.
Ako lang ba ang nakakafeel na ako ang tinititigan ng lalaking yun. At aba, nagwink siya.
Ang lakas ng guts ng lalaking to. Tinignan ko siya ng masama.

BINABASA MO ANG
Plan: Make my ex-crush suffer.
Teen FictionThis is a story of a fangirl, actually dating fangirl named Toni Rose Dilag. Fan siya ng isang gorgeous at famous na artist na si Red Philips. Find out why she disliked the guy. And what will happen next. Ang story na ito ay maaaring makakapakilig a...