Tinignan ko siya ng masama. Umiba rin ang tingin niya sa akin parang naging mabait? Ugh. Mga actors talaga, ang galing magchange ng expressions sa mukha.
"Oh. No. I'm the one who's sorry. I didn't know that I have offended a pretty girl like you.", sabi ni Red, sabay ngiti.
May pretty girl ka pang nilalaman ha. "Well, you just did.", sabi ko.
"I'm really sorry, if I could do anything for you to forgive me, I would do it.", hinawakan niya ang kamay ko. Kinuha ko dali-dali ang kamay ko.
"Wag mo akong hawakan. Kung gusto mo pang mabuhay.", sabi ko.
"Huh?"
Lumakad ako diretso at hindi na tumingin sa kanya. Tsk! Ang bastos talaga! Hanggang ngayon hindi pa rin siya nagbabago. Kung tumagal pa siguro ang conversation namin, alam ko na susuntukin ko na siya.
Pasalamat siya umalis ako sa harap niya kundi bugbog sarado siya sa akin. BAKIT BA KASI DITO SIYA NAGSCHOOL?! Kay rami ng school na magaganda, ba't dito pa?!
Nilagay ko ang tubig at ang sukli sa desk ni ma'am at bumalik sa aking seat.
"Uy. Ok kalang? Bakit ang tagal mo?", tanong ni Lizzie sa akin.
"I just saw the devil.", sabi ko.
Hindi na siya sumagot, alam ko na alam ni Lizzie ang devil na sinasabi ko. Since si Lizzie lang talaga ang nakakaalam sa buong kwento bakit hate ko si Red.
After the whole afternoon class, pinagtapat ako ni Lizzie.
"Nagkita kayo? Seriously?", sabi niya habang hinahawakan ang dalawang balikat ko.
"Oo. Seriously. Gusto ko ngang suntukin siya eh, para malaman niya ang sakit na nadaanan ko sa kanya dati.", gigil na gigil kong pasabi.
"Congratulations, nacocontrol mo na temper mo kahit wala ako.", sabi niya.
"Haha. Achievement.", napatawa ako. "At alam mo ba kung ano pa ang ginawa niya sa akin?! Hinawakan pa niya ang kamay ko. Nakakainis."
"Wow. Ang swerte mo naman.", sagot ni Lizzie.
"More like malas! Sabihin mo nga sa akin, like mo pa rin ba si Red?", sabi ko. Dati kasi, dalawa kami ang big fan ni Red but when I started hating him, sumuko na rin si Lizzie.
"Ha?! No way. What I mean is, swerte ka sa fans niya.", sabi niya.
"Change topic tayo. Naiinis pa ako kung ganito ang pinag-uusapan natin eh.", sabi ko.
"Okay."
"I wish makikita ko ulit si Kyle.", sabi ko.
"Ah. Sana makita ko rin siya.", ngumiti siya.
"Wait mo lang, ipapakilala ko siya sa'yo. Well, kung magkikita pa kami ulit.", kinilig syempre ako sa sinabi ko. Sana nga magkita pa kami.
Umuwi kami pagkatapos ng aming usapan.
"Hello Ma.", bati ko kay mama na nagpaplantsa ng aming mga damit.
"Si papa po?", tanong ko.
"Ah. Hindi pa dumarating.", sabi ni mama.
"Ahh. okay po.", pumunta ako sa kwarto at nagbihis ng aking damit na pambahay.
Pumunta ako sa kusina para magsaing.
"Toni!", tawag ni kuya.
"Haaa?!", sabi ko.
"Pumunta ka dito.", sagot niya.
"Sandali lang.", tinapos ko ang pag huhugas ng kanin at nilagay na sa kalan. Pinuntahan ko agad si kuya.
"Ma. Saan si kuya?", tanong ko.
"Nasa kwarto siguro.", sagot niya.
"Sige po.", ano ba ang kailangan ng unggoy na iyon sa akin? pumunta ako sa kwarto at nakita si kuya tumitingin sa salamin.
"Oh, ano yun kuya?", sabi ko.
"Idescribe mo nga ako.", sabi niya.
"Ha?"
"Idescribe mo ako."
"Sige. Pangit. Baliw. Suplado.", isa-isa kong sinabi.
"Hindi ako nakikipagbiruan ngayon Toni."
"Yun na nga.", sabi ko. Nakita ko si kuya na nakatingin lang siya akin, poker face.
Tumawa ako, "Joke lang naman. Ikaw talaga. Bakit ba?"
"Nagtatanong lang.", tumingin siya sa ibaba.
"Uy! Alam ko yan! May crush ka no?", tukso ko.
"Ha? Pfft. Bakit naman ako magkakacrush?", sabi niya, pulang-pula ang tsura niya. Hay naku, mga lalaki talaga, palaging nagdedeny.
"Bahala ka diyan.", paalis na ako sa kwarto nang,
"Oo na! May crush ako. Tulungan mo naman ako oh!", sabi niya.
"Uyy! Si kuya, may crush."
"Alam ko nga ba eh, tutuksuin mo ako pag sinabi ko sa'yo."
"Joke lang. Sige tutulungan kita, basta may isang condition."
"Anong kondisyon naman yun?"
"Ikaw ang maglalaba this week.", ngiti kong pasabi.
"Wow. Wag nalang.", sabi niya.
"Edi wag."
"Bigyan mo lang ako ng tips."
"Basta ikaw ang maglalaba."
"Tips lang eh."
"Maglaba ka muna."
"Sige na nga! Bigyan mo na ako."
"Haha. Napakaeasy mo kuya. Sige eto, tip ko sayo, napakaimportante nito, talagang talaga. I'm sure magiging crush ka rin ng crush mo kung susundin mo ito."
"Ano na?"
"Be Yourself. Good luck!", sabi ko at bilis umalis sa kwarto. Pumunta ako sa kusina at tinignan ang sinaing ko.
"Oy! Ang daya!", sabi ni kuya.
"Hindi kaya. Nasabi ko na sa'yo. Daya pa yun?", sabi ko.
"Ikaw talaga!", kinamot ni kuya ang ulo niya. Nilabas ko ang dila ko sa kanya.
First time ni kuya magkacrush, choosy kasi eh. Pero sure ako, magiging seryoso siya talaga sa babaeng tinutukoy niya.
Masaya ako dahil hindi niya tinago sa akin, ako kasi kung may secret ako, sinasabi ko kaagad sa kanya. Siya kasi yung bestfriend ko dito sa bahay. After dinner, natulog kami.
Sumunod na araw, habang papunta sa first period, nakita ko nanaman ulit si The Devil. May kaakbay na dalawang babae habang nagpapapicture.
Hanggang kailan ba siya mawawalan ng buntot?
"Toni!", may tumawag sa akin, familiar voice. Tinignan ko sa paligid ko at nakita ko si....KYLE. Omygosh si KYLE!! Nagwawave sa akin.
Nagwave rin ako sa kanya. Nakakahiya naman since kasama niya ang mga katropa niya. Tumuloy ako sa paglalakad at pagdating sa building, nagtago ako at kinilig-kilig.
"Kay aga-aga parang kilig na kilig ka dyan ah?", sabi ni Lizzie.
"Nagwave siya sa akin.", hinawakan ko ang mga kamay ni Lizzie at tumalon-talon.
"Sino ang nagwave sa'yo?", tanong ni Lizzie.
"Si Kyle.", ngumiti ako hanggang tenga.
BINABASA MO ANG
Plan: Make my ex-crush suffer.
Teen FictionThis is a story of a fangirl, actually dating fangirl named Toni Rose Dilag. Fan siya ng isang gorgeous at famous na artist na si Red Philips. Find out why she disliked the guy. And what will happen next. Ang story na ito ay maaaring makakapakilig a...