Chapter 2

78 3 2
                                    

"Psst Toni."

"Ha?", napatingin ako kay Lizzie.

"Ang gwapo talaga niya. At ang bait-bait pa.", sabi ni Elfie.

"Hindi lahat ng gwapo, mabait. Don't judge a person by his/her appearance.", sabi ko.

"Okay kalang?", tanong ni Kristine.

"Parang umiba yung mood mo?", sabi ni Elfie.

"Ah. Pabayaan niyo na yan siya guys. Moody lang talaga siya.", palusot ni Lizzie.

"Hater ka ba ni Red, Toni?", tanong ni Irish. I was in daze pero nung narinig ko ang tanong niya bumalik ang pagiging normal ko. (parang abnormal lang eh)

"Since high school.", sabi ko na parang gusto kong pumatay ng tao.

"Bakit naman? Ang pogi kaya niya."

"Talented at mabait pa."

"That's what you think. But try to know him more. I'm sure, you'll begin to hate him.", sabi ko, ang mata ko parang pipikit na sa sobrang pagtingin ng masama kung saan-saan.

Tumahimik kami lahat. Parang naging awkward nga ang atmosphere eh.

"Ah. Malapit na magtime. Tayo na.", hinawakan ni Lizzie ang kamay ko at hinila. Malapit nang magtime? Parang 30 minutes palang kami nagtambay dito ah?

"Oo nga pala. May gagawin pa tayo sa computer lab.", sabi ni Elfie.

"Anong gagawin niyo sa computer lab? Wala naman tayong assignment ah?", sabi ko.

"May ireresearch kasi kami para sa project namin sa English.", sabi ni Kristine.

"Hala! Oo nga pala! May project tayo! Naku naman.", kinamot ni Lizzie ang ulo niya.

"Gusto mo tulungan kitang kamutin ang ulo mo?", sabi ko, sarcastically. "Tayo na.", hinila ko si Lizzie.

"Bye guys. Thanks for the time. 'Til next time.", sabi ko habang hinihila si Lizzie.

"Bye!", sabi nila.

"Magpasalamat ka sa akin dahil sinave ko ang ating awkward atmosphere. Ikaw naman kasi eh, nagsasabi ng kung anu-ano.", sabi ni Lizzie.

"Ganyan ako mag-express ng expression ko eh. Bakit ba?", sabi ko. "Tsaka, hindi ikaw ang nagsave ng awkward atmosphere kundi ang project natin.", dugtong ko.

"San tayo pupunta?", tanong niya.

"Sa library, saan pa ba?"

Pagdating namin sa library, malapit nang mapuno ito. Mabuti nalang meron pang mga space.

"Bantayan mo na lang ang ating upuan, ako na ang hahanap sa libro na kailangan natin.", umalis ako at hinanap ang section kung saan mahahanap ang mga articles sa politics.

Bilis-bilis akong lumakad by section, tinitignan ko kung ano ang pangalan ng section sa itaas. I think after 7 minutes na kakatingin sa itaas, wala pa rin. Naku, mahirap na baka mastiff neck ako.

And at last, nakita ko, Article Section, hiningal ako dun ah. Now, I gotta find the perfect book para sa project namin. Sa tingin ko marami ito, since politics naman eh.

Ah. Yun. May nakuha na akong isang book. Ah isa pa, naku, parang lucky day ko ngayon ah, ang bilis kong makahanap ng libro. Isa pa. I guess dalawa pa, hindi pa naman mabigat ang mga dala-dala kong libro.

Binalik-balikan ko ang mga nadaanan ko, baka naman kasi may nadaanan na ako pero hindi ko lang nakita.

Ah yun. Last na lang. Yun! Sinubukan kong abutin pero hindi ko maabot. Minalas naman oh. Bakit ba kasi ang pandak ko?

Tumingkayad ako, tumalon ako para maabot ko pero hindi ko parin makuha. Tsk. Tinetest ako ng libro na ito.

Tumingkayad ako ulit ng dahan-dahan, mga 1 inch nalang makukuha ko na. Tumalon ako, nahawakan ko. Tumingkayad ako ulit. Hay nako, talagang there's no rainbow with a little rain..

"Bakit ba ayaw mong magpakuha.", sabi ko sa libro. Nagiging baliw na ako dito oh.

Biglang may isang kamay na kumuha sa libro na kukunin ko. Tinignan ko kung kay sinong kamay yun. Isang cute na lalaki. Bumilis ang beat ng heart ko.

"Here.", sabi niya habang binibigay sa akin ang libro.

Tinignan ko lang siya hanggang matunaw ang kaluluwa ko. Ang cute na nga, ang tangkad pa. Kinikilig na ako.

"Miss?", sabi ni Mr. Cute.

I blinked twice at ngumiti sa kanya. "Thanks.", sabi ko habang kinukuha sa kanya ang libro.

"No problem.", ngumiti siya, omygosh! may dimples siya. Mas lalo siya naging cute. Eeeehhh!!

"Uhh.. Can I know your name?", sabi ko out of nowhere. Shocks. Ano ba tong pinagsasabi ko, nakakahiya.

"It's Kyle. You?", tanong niya. Omygosh! tinanong niya name ko. I think I'm gonna blow up.

"Kyle. Ay. Toni pala.", nilabas ko ang aking kamay at shinake hands na ako. Ang lambot ng kamay niya!!

"See you around, Toni.", sabi niya. Ganda ng accent niya. Parang fluent na fluent sa English.

Ay. Oo nga pala. Si Lizzie! Patay. Bilis-bilis akong bumalik sa table namin.

"Ano ba? Ba't ang tagal mo?", sabi ni Lizzie.

"Ssshhh!!", sabi ng librarian.

"May nakita akong anghel.", nagexhale ako ng malalim like people who are inlove do.

"Anghel? Ako ba yun?", ngiti na pasabi ni Lizzie.

"SSH!"

"Wag masyadong feeler.", sabi ko. "Kyle ang pangalan niya."

"Magstart na tayo.", sabi ni Lizzie na nakasimangot. Ay biglang umiba ang mood?

"Uy. Gusto niya siya yung anghel na pinagsasabi ko.", kiniliti ko ang gilid niya.

"Ssshhh!!", sabi ng librarian ulit.

"Sorry po ha.", sabi ko.

"Sige na magstart na tayo.", sabi ni Lizzie, ang weird? I smell something fishy.

After 15 minutes of researching sa books, pumunta na kami sa aming first period class sa afternoon.

It was our Science subject. Sometimes I find that subject so boring, kaya nagdodrawing nalang ako sa aking mga kamay. And also I like our teacher dahil strict siya.

"Miss Dilag. What are you doing?", tinawag ako ng teacher namin.

"Nagdodrawing po.", sagot ko. Bakit ba ang tapang ko sa mga teachers -_-

"This is Science class, not art class.  Go and buy me some water.", sabi niya.

"Huh?"

"Come here.", sinisignal niya ako na pumunta sa kanya. Tumayo ako ng pumunta sa kanya.

"If you'll just draw something in your palm all day, buy me some water, so that you could make yourself useful. Here's the money.", binigyan niya ako ng pera. Sometimes I hate her. Student ba ako o utos-utusan?

Umalis ako sa room namin at lumakad papunta sa cafeteria. Siguro ito lang ang first time na nakabili ako sa cafeteria. Palagi kasi akong nagbabaon ng pananghalian ko kaya hindi na ako bumibili dito.

Besides, mahal ang mga pagkain dito. "Tubig po. Isa.", sabi ko habang inaabot sa kanya ang pera.

"Eto po.", binigay sa akin ang tubig at ang sukli.

"Salamat po.", sabi ko at umalis sa cafeteria.

Gustong-gusto ko talaga ang feeling na ako lang isa sa hall naglalakad. Parang napakapeaceful at ang linis tignan.

Since ako lang isa sa hall na naglalakad, naglakad ako backward. Freestyle ko sa paglalakad. Astig no?

"Aray!", PATAY. May nabangga ako.

"Ano ba?! Wala ka bang mga mata?! Lalakad na lang eh, tatanga-tanga pa.", sabi niya, lalaki ang boses. Naku. Double Dead. Hinarap ko siya pero hindi ko tinignan ang mata niya, nahihiya ako.

"Sorry.", yumuko ako at tumingin sa kanya. RED PHILIPS.

Plan: Make my ex-crush suffer.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon