Ang saya talaga kung kasama ko si kuya. Binilhan ba naman ako ng limang isaw, masayang-masaya siguro siya sa response ng girl sa kanya.
Pag-uwi namin sa bahay, nakita ko sila ni mama at papa sa sala, mukhang problemado.
Pagkita nila sa amin, ngumiti sila at bumati sa amin, "Nandito na pala kayo.", sabi ni mama.
Pumasok ako at nginitian sila. "Bibihis lang po ako.", sabi ko. Pumunta ako sa kwarto at nagbihis.
Paglabas ko sa kwarto nakita ko na pati si kuya, parang naging problemado?
"Ma, Pa, Kuya, may problema po ba?", tanong ko.
"Ah. Wala. Wala.", sagot ni mama.
"Talaga po?"
"Oo."
"Sige po. Sasaing lang po ako.", sabi ko at pumunta ako sa kusina at nagsaing.
Kumain kami ng aming hapunan ng tahimik. Parang may iba ngayon. Ayaw lang siguro nilang sabihin sa akin kung ano ang problema.
Pagkatapos kumain, hindi pa ako natulog, gumawa pa ako ng assignments ko. Tinignan ko ang orasan at 12 AM na. Ang bilis naman ng oras.
Lumabas ako sa kwarto namin at uminom ng tubig. Biglang, may naririnig ako galing sa kwarto nila mama at papa. Lumapit ako sa pintuan nila at nakinig sa usapan nila.
"Ano na ang gagawin natin ngayon?"
"Hahanap ako ng bagong trabaho."
"Sige. Magtatanong na rin ako sa mga kapitbahay natin kung may alam silang humahanap ng worker."
Binuksan ko ang pintuan nila. Nakita ko silang, gulat na gulat na tumitingin sa akin.
"Pa, nawalan ka ng trabaho?", tanong ko.
"Oo anak.", sagot ni Papa.
"Bakit hindi niyo ho sinabi sa akin?"
"Ayaw naming mapahamak ka anak. Alam ko kasi na kung malalaman mo ang tungkol dito, hahanap ka ng trabaho na mapapasukan mo.", sabi ni mama.
"Syempre hahanap po ako ng trabaho.", sabi ko.
"Hindi ako papayag.", sagot ni papa.
"Pero pa, gusto kong makatulong sa inyo."
"Wag na anak. Kaya ko na ito."
"Kaya ko na rin po ito pa. Please ma. Pumayag na kayo. Ito nalang po ang magagawa ko para makatulong sa inyo. Please po.", sabi ko.
"Pero anak, kakayanin mo ba ito?"
"Maniwala kayo sa akin ma. Kayang-kaya ko to.", ngumiti ako.
Ngumiti si mama sa akin at umo-o.
"Promise po ma. Hahanap ako ng trabaho para sa inyo. Magpapart-time job po ako.", sabi ko.
"Basta hindi ang trabaho sa bar o sa mga anuman na ikaw lang isa, gusto ko may kasama ka sa trabaho.", sabi ni papa.
"Sige po."
"At wag na wag mong pabayaan ang pag-aaral mo."
"Syempre naman po."
Sumunod na araw, habang papunta sa school, nagsimula na akong humanap ng trabaho na mapapasukan.
Lahat na tindahan na madadaanan ko, tinatanong ko, ngunit wala.
Pagdating ko sa school, biglang may tumawag sa akin. Tinignan ko kung sino, si Kyle, papunta siya sa akin.
"Hi.", sabi niya.
"Hello.", sagot ko.
"Mukhang ang tamlay mo ngayon ah, may nangyari ba?", tanong niya.
"Ahh.. Kyle, pwede bang humingi ng favor?", tanong ko.
"Sure anything."
"Pwede mo ba ako hanapan ng trabaho? Need ko lang talaga eh.", sabi ko.
"Magtatrabaho ka?"
"Oo.", tumawa ako.
"Ang sipag ah."
"Syempre ako pa.", ngumiti ako at nginitian niya rin ako.
"Sure. Hahanap ako."
"Salamat ah. Big help talaga yun sa akin.", sabi ko.
"No problem basta ikaw.", sabi niya.
"Ikaw talaga! Napakabolero mo.", sabi ko. I'm in heaven.
Tumawa lang siya. "Siya, alis na ako. May first period pa eh. Bye.", sabi niya.
"Bye."
Pumunta ako sa first period class namin. For the whole class, wala akong inisip kundi makahanap ng trabaho. Focus Toni. Wag mawalan ng pag-asa. There's still hope.
AJA! KAYA KO TO!
After lunch, kinuwento ko kay Lizzie ang tungkol sa kagabi.
"It's okay Toni. I'm here for you. Hahanap ako ng perfect job for you.", sabi niya.
"Salamat ah. I'm glad na friends ko kayong dalawa ni Kyle."
"Ah. No problem.", ngumiti siya sa akin.
"Aww. Ano ba?! Hindi ko kayang tignan ka ng nakasimangot. Everytime I look at you kasi, ang nakikita ko is a happy Toni. Pero ngayon parang troubled Toni na ang nakikita ko eh.", sabi ni Lizzie. This is why I love this girl.
"Haha. I'm really glad to have to a bestfriend like you."
"Syempre ako pa. Mabait kaya to.", ngumiti ako sa sinabi niya.
"Yan! Smile ka lang. Everything's gonna be alright as long as a
I'm here for you.", hinug niya ako. Ang sweet talaga ng babaeng to, sa totoo lang.
We attended our afternoon classes after that at after our last period tumambay kami ni Lizzie sa likod ng building.
"Alam mo ba kung ano ang meeting namin kahapon sa dance club?"
"Ano?"
"Magkakaroon daw kami ng program next month. Kaya magpapractice kami starting next week. Watch mo ako ha!", sabi ni Lizzie sa akin. "Kundi lagot ka sa akin."
"Yes ma'am. Manunuod ako sa magandang performance niyo.", tumawa kaming dalawa.
"Hey!", may sumulpot. Tinignan ko kung sino, si Red.
"Aba, wala kang babaeng kasama ah. Himala.", sabi ko.
"Ganun? Not all the time may kasama akong babae."
"Di nga?", bigla niya akong hinila paalis.
"Uy! Bitawan mo nga ako. Diba sabi ko sayo kung hahawakan mo ako, tatawag ako ng police.", sabi ko.
"Like I said, I'll do whatever I want.", sabi niya.
"Bitawan mo nga ako, kakagatin kita.", babala ko
"Talaga?", ayaw mong maniwala ha. Kinagat ko ang kamay niya at yun, binitawan niya ang kamay ko.
"Yan! Ayaw mo kasing maniwala sa akin eh.", sabi ko.
"Ang sakit nun ah.", hawak-hawak niya ang kamay niya na kinagat ko.
"Ano ba ang gusto mo ha?", tanong ko. Hindi siya sumagot, hinahawakan niya lang ang kamay niya.
"Bahala ka na nga diyan.", paalis na ako sana ngunit
"Wait. Sasabihin ko na sa iyo ang condition ko.", sabi niya. Ah. Oo nga pala no may kondisyon pa siya.
"Kaya naman pala eh. So ano yun?"
"BE MY PERSONAL ASSISTANT."
BINABASA MO ANG
Plan: Make my ex-crush suffer.
Dla nastolatkówThis is a story of a fangirl, actually dating fangirl named Toni Rose Dilag. Fan siya ng isang gorgeous at famous na artist na si Red Philips. Find out why she disliked the guy. And what will happen next. Ang story na ito ay maaaring makakapakilig a...