Chapter 4

55 4 0
                                    

After the morning classes, naglunch kami ni Lizzie doon pa rin sa pinagkainan namin pero hindi namin kasama ngayon sina Elfie.

"Kamusta na kaya ang project natin sa English.", napatawa kaming dalawa. Parang pinabayaan na kasi namin since next week pa ang deadline.

"Punta tayo ulit sa library pagkatapos.", sabi ko.

"Ay. Hindi ako makakasama sa iyo. May meeting ako sa dance club."

"Bakit ka ba kasi sumali dun?"

"Para umimprove naman ang dancing skills ko."

"Sure ka iimprove ha."

"Oo. Just you wait."

"Oh sige."

Pagkatapos naming kumain, nagseperate ways kami, pumunta siya sa kabilang building, ako naman sa kabila.

Here we go again, hindi ko maabot ang mga libro na kakailanganin ko. Kakainis naman. Sana sumuot nalang ako ng heels, nakakasawa maging pandak. -_-

Bakit ba hindi sila naglalagay ng ladder dito. Akala siguro nila lahat na nagschoschool dito matataas.

Tumingkayad ulit ako at tumalon para kunin ang libro sa itaas. Malay mo tumaas ako?

Ngunit wala, hindi ko pa rin makuha. Naku naman oh. Tumingin ako sa ibaba at tumungtong sa isang layer ng bookshelf.

Ayaw mong magpakuha ah. Eto. Inabot ko habang nakatungtong ako sa first layer. At yun nakuha ko. Yaaaaay!!

FOR THE FIRST TIME IN FOREVER! Joke lang.

Tinignan ko ang oras, 12:40 pm.May time pa. Humanap ako ng free seat at umupo dun then nagstart na ako magresearch. 

After mga ilang minutes of concentrating only on the book, tumingin ako sa paligid at nakitang unti na lang ang mga tao na nasa library.

Tinignan ko ang orasan at nakitang 1:03 PM na. Shocks! I'm late. Patay ako kay Science Teacher!

Bilis akong umalis sa library at tumakbo sa hall, kahit maraming tao. Bakit ganun parang mga ilang minutes lang ako nagstay dun ah? 1 o'clock na?

Biglang natumba ako. Ang mga tao sa paligid ko, tumatawa. But suddenly, someone reached out his hand.

Tinignan ko ang someone at nakita si Red. Sinusundan ba ako ng lalaking to? Bakit ba palagi ko siyang nakikita?

"Need help?", tanong niya. Nagmumukhang mabait.

"Uyyyy!!", sabi ng mga tao.

Sinampal ko ang kamay niya at tumayo. "I don't need anyone's help especially from you.", sabi ko sa kanya. At tumakbo ulit.

I can hear them laughing after. Nakakainis talagang lalaking yun, nagpapakabait na hindi naman mabait.

Pagdating ko sa classroom, nakaupo na sila lahat sa kanilang seats pero wala si ma'am. Yes!

"Bilis! Pumasok ka na! Babalik na yun mamaya.", sabi ni Elfie.

Bilis akong umupo sa seat ko, humihingal.

"Akala ko nandito kana? Saan ka ba galing?", tanong ni Lizzie.

"Sa library. Saan pa ba?", sabi ko.

"Eh ba't ang tagal mo?", tanong niya.

"Nagresearch ako eh. Natapos ko na nga oh. Ipiprint nalang natin to.", sabi ko.

"Hay salamat naman kung ganun."

"Galing ko no?", sabi ko.

"Oo na.", tumawa siya.

Dumating si Science Teacher at nagsimula na siyang magdiscuss.

Plan: Make my ex-crush suffer.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon