023

312 26 33
                                    

Andie's / Yours

Nagmamadali akong bumaba sa taxing sinakyan ko. "Manong ito na po yung bayad." Dali-dali akong tumakbo sa loob ng bar na sinasabi nung lalaking may hawak ng cellphone ni Jihoon. Tangina naman kasi niya eh! alam naman niyang mababa lang yung alcohol tolerance niya! Gago talaga siya.

Pagpasok ko sa loob, magkahalong amoy ng alak at masakit sa matang disco lights ang bumungad sakin. Ang wild ng mga tao kaya halos matumba na 'ko dahil ang iba sa kanila'y naitutulak na 'ko.

Nang maka-alis na ko sa grupo ng mga taong sumasayaw sa dance floor ay agad ko ng hinanap ang tanginang si jihoon. Nakita ko siyang nagwawala at nagbabasag ng bote habang inaawat ng mga waiters. Agad ko silang nilapitan.

"Ma'am ayaw po niya talagang tumigil, masyado na rin pong marami ang nainom niya. Hindi pa po niya nababayaran eh" Nag-aalalang sambit ng waiter na sa tingin ko'y nakausap ko kanina. "Sige ako ng bahala sa kanya." Ngumiti ako at inabot ang credit card ko.

Hinarap ko si Jihoon. Namumugto ang mga nito na tila ba'y galing sa iyak. Teka, nag-away kaya sila ni Ellie? Wala na kong pake dun basta ang importante ma-ialis ko siya rito. "A-andie.." napahinto ako ng marinig kong sinabi niya ang pangalan ko. Tumingin ako sa kanya. Mariin siyang nakatitig sakin. Hindi ko ito pinansin at inakbay ang isa niyang kamay upang makakuha ng suporta.

Kahit hirap na hirap ay nagawa ko siyang dalhin sa kotse. Hinarap ko siya. "ANO BA KASING PROBLEMA MONG TANGINA KA HA?!" tumingin siya sakin. Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. Naiinis ako! Hanggang ngayon ang tigas-tigas pa rin ng ulo niya! Hinawakan niya ang pisngi ko at pinunasan ang luha ko. "I'm sorry." bulong niya.

Inalis ko na lang ang kamay niya at pinunasan ang mga luhang tumulo. Mahal ko pa rin siya kahit lagi niya kong sinasaktan leche. Ini-start ko ang kotse upang umalis na don. Dahil wala akong mapagdalhan sa kanya ay dinala ko na lang siya sa condo unit ko. Nagkandahirap-hirap pa ko sa pag-akyat sa kanya. Seriously? Ang bigat ng bakulaw na to! Grrr masasapak ko talaga siya sa oras ng gumising siya eh!

Inihiga ko siya sa sofa. Fuck ang bigat niya! Sumakit tuloy balikat ko! "Oy!" tinutusok-tusok ko ang ulo niya. Cute niya talaga hihi. "Gago ka talaga lagi mo na lang ako pinag-aalala. I hate you." parang akong tangang kausap ang tulog dito. Pake niyo ba? "Hmmm I love you.." okay so shookt ako dun ah. Iniwan ko na lang siya dun para kumuha ng pamunas at plangganang may malamig na tubig para punasan siya.

Lumuhod ako ng kaunti para magkapantay kami. Inumpisahan ko ng punasan ang mga braso niya. Kumuha rin ako ng t-shirt na pwede niyang i-suot. Hinubad ko ang t-shirt niya at ipinalit ang dala ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ang t-shirt na suot niya. Yan yung regalo ko sa kanya nung First Anniversary namin. Potaena talagang yan.

Pagkatapos nun ay inakyat ko na siya sa guest room na matagal na ring hindi nagagamit. Hinubad ko ang sapatos niya at kinumutan siya bago ako umalis doon.

Haaay Jihoon naiinis na talaga ako sa katangahan mo at kagaguhan niyo ng girlfriend mo. Mga pashnea!

***

a/n: yaw q na huhu

Strαnger 。✧ p.jh; 박지훈° (discontinued)Where stories live. Discover now