049

204 21 4
                                    

Andie's

Ilang araw na ang nakalipas matapos bumalik ni Jihoon. Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako. Problema niya? Bakit siya sumama kay Venice?

Nanlulumo akong napaupo sa kama. Sabado ngayon at wala akong magawa kundi ang mag-isip.

Tangina talaga ni Jihoon.

Lagi niya na lang ako sinasaktan. Simula rin kasi nung bumalik siya parang wala na siyang pake sa mga kaibigan niya. Hindi na siya yung dating jihoon.

Okay lang naman sakin na makalimutan niya ko basta hindi niya talikuran yung mga kaibigan niya. Nasasaktan ako. Feeling ko ako may kasalanan ng lahat ng 'to.

Sana hindi na lang ako bumalik pa. Siguro ngayon masaya pa si Jihoon kasama yung mga kaibigan niya at saka si Ellie. Tangina naman eh.

Tahimik akong humihikbi habang tinitignan ang mga pasang natamo ko mula pa nung nakaraang araw.

Lagi akong sinasaktan ni Venice. Samu't-saring pamamahiya ang ginagawa niya. Wala akong magawa dahil tuwing ginagawa niya iyon ay naro'n si Jihoon; nakatingin lang sakin na para bang isa akong napakawalang-kwentang bagay.

"Andie! Bumaba ka na rito! Agahan na!" Narinig kong sigaw ni Jinyoung. Kahit masakit ang katawan ko ay bumaba na lang ako. Lol gutom na kaya ko at saka bawal tanggihan ang grasya.

"Good Morning!" Nagulat ako ng makita sa bahay si Justin? Ginagawa ng gagong 'to rito.

"Hi andeh! Morning hehez." Inirapan ko siya. Mambuburaot lang naman yan dito bruh!

"Di kita kilala, wag mo 'ko kausapin gago."

"Ang sama mo"

"Ulol."

Habang kumakain kami ay biglang nagvibrate phone ko. Luh? Ang aga naman mag-text nito?

***

Unknown: Hi!

Unknown: Kumusta ka na?

Unknown: Sorry ah? Wala akong magawa tuwing sinasaktan ka niya.

Unknown: Hindi ko kasi alam kung anong magiging reaksyon mo kapag bigla na lang akong dumating don para tulungan ka.

Unknown: malaki kasi kasalanan ko sayo eh hehe

Unknown: Please sa susunod lumaban ka na ah?

Unknown: U don't deserve lahat ng mga ginagawa niya sayo. Be strong! Malalagpasan mo rin yan!

Unknown: i'm always here to help you kahit di mo nakikita.

***

Napangiti ako sa nabasa ko. Ayokong mag-assume kung sino 'to pero alam kong siya 'to. Alam kong sa simula pa lang hindi niya magagawa 'yon.

I sighed in relief. Buti naman.

"Oy sino yaaaaan!"

"Wala manahimik ka!"

"Ay nako tsk tsk"

"Manahimik kayong dalawa diyan! Kumain na lang kayo gago!"

"K. Eto na nga eh."

Strαnger 。✧ p.jh; 박지훈° (discontinued)Where stories live. Discover now