051

205 19 3
                                    

Jihoon's

Napahawak ako sa mesa nang bigla nanamang sumakit ang ulo ko. Fuck! Eto nanaman! Pilit kong hinanap ang gamot ko.

Naalala ko na nailagay ko ata yun sa kwarto ni Venice no'ng minsang pumasok ako do'n.

Magkalapit lang naman ang kwarto naming dalawa kaya naman hindi ako masyadong mahihirapan kahit sobrang sakit na ng ulo ko.

Binuksan ko ang pinto. Tahimik sa loob nito. Nakaayos ang mga gamit. Napaka-organisado. Wala ngayon si Venice dahil pumunta siya sa isang kakilala.

Agad kong nakita ang gamot nahinahanap ko. Kinuha ko ito at paalis na sana ng may nasagi ako sa ilalim ng kabinet. Tinignan ko ito.

Isang kahon?

Ngayon ko lang nakita 'to dito. Halos lahat ng mga bagay dito nakita ko na kaya alam kong di pamilyar sakin ang kahong ito. Para saan to?

Hindi naman siya masyadong malaki. Tama lang. Medyo mabigat. Anong lamann nito? At bakit ngayon ko lang nakita kung all this time ay nasa ilalim lang pala 'to ng kabinet?

Dahil sa curiosity. Bubuksan ko na sana nang biglang may bumusina sa labas. Agad akong lumabas ng kwarto habang dala ang kahon.












Bumalik na si Ven.

Siguro mamaya ko na lang 'to aasikasuhin.

***

Someone's

Nandito ako sa tapat ng bahay niya. Kanina po 'ko dito. Silip ng silip. Ano na kayang nangyayari sa loob? Nakita na kaya niya?

Huminga ako ng malalim. May dumaang kotse sa tabi ko. Malamang ay sa kanya na yon. Nagtago ako ng konti sa gilid ng poste para hindi niya mapansin.

Pakshet. Mukha akong magnanakaw.
Buti na lang wala masyadong tao dito dahil hapon na. Hindi ako masyadong mapapansin lol.

For the nth time, I sighed. Marami pang mga mangyayari. Handa naman ako don. Kaso lang hindi ko alam kung mapapatawad pa niya ko.

Hindi naman masamang umasa diba?

Tumingin uli ako sa bahay at saka nagpasyang umalis na.


Strαnger 。✧ p.jh; 박지훈° (discontinued)Where stories live. Discover now