011

377 26 4
                                    

Andie's / Yours


"Hoy wag mo nga 'kong kaladkarin!" sigaw 'ko sa walang modong 'to na sinundo ako sa room namin para magpalibre ng lunch, putangina niya diba? Pinagtitinginan na nga kami ng mga estudyante rito. Tsk! Hugutin 'ko mga mata niyo eh puta. Tinignan ko si Ren na hila-hila ako ngayon. Takte wala man lang reaksyon? muntanga ampupu.

"Ang ingay mo hutaena! dadalhin lang kita sa tropa tangina neto." Tinaasan ko siya ng kilay. Ang kapal ng mukha neto! Sapakin ko siya diyan eh! Hmp! Wala na 'kong nagawa kundi ang magpahila na lang sa walanghiyang 'to papuntang canteen. Malayo pa lang ay natatanaw ko na silang lahat. Aba may sariling mesa? ano sila Vip? pisti.

Agad silang tumingin sa direksyon namin. Ang ilan sa kanila'y nanlaki ang mata. OA niyo mga ulul. Niyakap ako ni Woojin. Awww na-miss ko 'tong bulilit na 'to. "Hello Noona!" bati niya. Nginitian ko siya saka masamang tumingin sa iba. 

"Yow Andie. Woah ang liit mo pa rin pala? HAHAHA" Nag-tawanan din ang iba sa sinabi ni Samuel. Aba! Ang kapal ng mukha neto ah! Pagbuhulin ko sila ni Daehwi eh! "Tsk! magsama nga kayong dalawa ni Daehwi! mga leche!" tinulak ko siya papunta kay Daehwi. Sinamaan naman niya 'ko ng tingin. Tsk! If I know kinikilig lang 'yan eh pabebe pa. 

Umupo na 'ko sa bakanteng upuan sa tabi ni Insan at ni Guanlin. Ngumiti lang ako kay Guanlin. Shhh lang kayo ah? Crush ko kasi siya eh ehehehe. Umupo na rin sila sa mga upuan nila. So bale nasa isang mahabang mesa lahat kami. Ito ang pinakamahabang mesa dito. Leche VIP nga! May tatlong upuan pang reserba sa tabi ni Haknyeon, nasa may bandang dulo siya eh. 

"Andieeee asan na yung libre ko?" sabi ni Justin. Inirapan ko sila. "Sus! asa ka pang manlilibre 'yang bruhang yan! Nakuuu saksakan ng kuripot!" aba talagang sumabat pa 'tong baklang 'to! "Atleast ako may pinag-iipunan! Eh kayo? puro mga babae, condo--" Bago pa matuloy ang sasabihin 'ko at tinakpan na ni Jinyoung ang bunganga ko.

"Konti na lang talaga matatahi 'ko na 'yang bunganga mo!" Tinanggal ko ang kamay niya at saka tumawa. Tsk! daming alam ng mga 'to. May hiya-hiya pa'ng nalalaman.

"Akin na mga orders at pera niyo dali ako na o-order!" humahangang napatingin naman ako sa kanya. Himala at bumabait na ata ang lalaking 'to. 

"Wag kang ano diyan Andie. Natalo lang ako sa pustahan kaya ko 'to ginagawa hmp!" inis niyang kinuha ang mga pera namin at pumuntang counter. Lakas din talaga ng trip ng mga 'to eh HAHAHA!

Nagpatuloy lang ang kwentuhan at asaran namin. Maya-maya pa'y dumating din ang orders namin kasabay ng nakabusangot na si Daniel. Ang epic ng mukha niya HAHAHA! "Yan very good ka dre! HAHAHA" Sambit ni Seungwoo. Agad 'kong kinuha ang order 'kong strawberry shortcake. Hihi favorite 'ko.

Masaya akong kumakain ng may biglang nag-salita na ikinatahimik ng lahat. "Hi guys!" napatigil ako sa pagkain. Boses yun ni... "Ellie." sambit ni Haknyeon. Nawala ang ngiti nito ng madako ang tingin niya sa'kin. Napatingin ako sa katabi nito. Sinalubong ako ng walang emosyong titig ni Jihoon. 

"Oh, Hi Andie!" bati niya pero halatang plastic. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni Jihoon. "Kilala mo 'yan babe?" Nakangiting tumango naman si Ellie habang nakatingin pa rin sa'kin.

"Syempre naman babe! pano ko naman makakalimutan ang ex-bestfriend ko right?" Napayuko na lang ako saka tumayo at pinagpagan ang palda. 

"Oh bakit aalis ka na? Kakarating pa lang namin oh!" Sabi niya ulit. Wala akong pake aalis na 'ko.

"S-sige na mga bro aalis na 'ko may gagawin pa pala 'kong assigment hehe." hinawakan ni Jinyoung ang kamay 'ko. Tumingin ako sa kanilang lahat. Puno ng pag-aalala ang mga mukha nila.

Tumingin ako sa direksyon nila Ellie. "B-bye rin Ellie at... Jihoon." Pilit na ngumiti na lang ako at tumalikod. Bago pa 'ko umalis ay pinasadahan 'ko muna ng tingin ang naguguluhang si Jihoon.

Strαnger 。✧ p.jh; 박지훈° (discontinued)Where stories live. Discover now