063

156 11 0
                                    

Someone's POV

Kanina ko pa sila sinusundan. Mula nung kunin nila si Jihoon. Pati na nung kunin nila si andie. Napapikit na lang ako sa inis. Huli na ba ako?

Gamit ang binoculars ay sinilip ko kung ano na ang nangyayari sa loob ng bodegang pinagdalhan sa kanilang dalawa. Kasalukuyang natutulog si andie habang nakagapos ang katawan sa upuan. Napaluha ako sa sinapit niya. Hindi niya deserve lahat ng 'to.

"i'm so sorry." inalis ko ang focus sa kanya at saka dumako naman kay Jihoon. Puro na galos ang katawan nito dahil sa pambubugbog nila sa kanya. Hindi ko kayang tignan ang sinapit nito.

Agad kong tinawagan ang taong alam kong makakatulong sa'kin sa sitwasyong ito. Agad naman niyang sinagot ang tawag ko.

“Hello?”

“Daniel alam ko kung nasaan sila.”

“TALAGA? SHIT SALAMAT!”

“iti-text ko na lang yung address.”

“pero kailangan niyong mag-ingat. masyadong maraming bantay dito.”

“Sige sige tatandaan ko yan. Maraming salamat talaga.”

“Walang anuman, basta para sa kanila.”

“Hindi ako nagkamaling humingi ng tulong sa'yo.”

“ginagawa ko lang 'to para makabawi sa kanya, sa kanila.”

“I know.”

“Mag-iingat ka diyan ah? wag kang magpapahuli! magagalit sa'kin si ano kapag may mangyaring masama sayo huhu.”

“oo na. sige bye na.”

“okaaay bye.”

call ended.

I sighed. Maliligtas na kayo Andie, Jihoon. Maghintay lang kayo. Tinago ko ang binoculars sa bag ko at sinuot ang shades at mask upang hindi nila ako makilala.

Konting oras na lang.

Strαnger 。✧ p.jh; 박지훈° (discontinued)Where stories live. Discover now