055

193 17 3
                                    

Jihoon's

Isang linggo

Isang linggo na ang lumipas nang makita yung kahon. Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako. Para saan ba ang kahon na 'yon?

I shook my head at tumingin dito. Bakit nga ba hindi ko pa rin ito binubuksan? Hindi ko rin alam. Parang may nagsasabi saking buksan ito pero hindi ko kaya.

Napaayos ako ng upo ng biglang mag-message si Venice.

***

Venice: Babe! Mamaya pa ako uuwi diyan. Take care okay?

Venice: May importanteng bagay lang akong tatapusin.

Venice: wag kang papasok sa kwarto ko ah? Hihi.

Venice: I love you so much

***

Nagpasya akong wag na lang mag-reply. Wala din namang sense kung mag-reply ako. Binato ko ang cellphone ko sa kama at nagfocus sa box.

I gulped. Pinagpagan ko ang mga dumi sa paligid nito at saka tinitigan. May nakalagay sa takip nito. Teka, initials?

A & J

Yun ang nakalagay. Pamilyar. Sakin ba 'to?

Huminga ako ng malalim at saka dahan-dahan itong binuksan. Hindi ko maintindihan kung bakit ang lakas ng tibok ng puso ko.

Binuksan ko ito at tinignan ang laman nito.

Nanlaki ang mata ko ng makita ang nasa loob nito.

Mga. . .














Litrato?

At mas lalong nanlaki ang mata ko ng makitang ako ang nasa litrato kasama si. . . Andie?

Anong. . . . Ano 'to?

Nang tinignan ko ang mga litrato ay mas lalo akong naguluhan. "B-bakit. . . ganito?" Nakita ko ang isang lumang tape recorder at isang notebook.

Kahit naguguluhan ay nagpasya akong i-play ang tape recorder.

Habang pinapakinggan ko ito ay mau mga imaheng lumalabas sa utak ko. Mga taong blurry yung mukha. Ang sakit, ang sakit ng ulo ko.

Nabitawan ko yung box at hinawakan ang ulo ko. Y-yung gamot ko. Naalala ko na nasa kwarto pala yun ni venice. "T-tulong!"

Wag kang papasok sa kwarto ko ah?

Fuck! Ang sakit! Napaluha na lamang ako sa sakit. Unti-unti na kong nilalamon ng kadiliman nang may isang imahe ng tao akong nakita. Paulit-ulit nitong sinisigaw ang pangalan ko.

Yun lang ang natandaan ko bago ako lamunin ng kadiliman.

Strαnger 。✧ p.jh; 박지훈° (discontinued)Where stories live. Discover now