Chapter 12. (The Construction Site)

608 6 2
                                    

*Wendy's POV*

Inabot din kami ng ilang araw para hanapin yung Pinsan ng Crew, Ang Pangalan niya ay James Tucker, 14 years old siya nung nagkita kami sa Roller Coaster na muntik ng maging sanhi ng pagkamatay ko. Ngayon 22 years old na siya. 

Tinulungan kami ng mga pulis na hanapin siya, Pati na din siya tiyahin niya, na nanay ng crew. Nakita namin siya na nagtratrabaho sa isang construction company. Isa siyang contractor sa isang construction company.

Napadpad kami sa isang ginagawang building, Sabi ng Construction Company na pinagtratrabahuhan niya, Dito siya naka base kaya pinuntahan namin siya. Kaya naman nagtanong kami sa mga nagtratrabaho dun kung nandun si James.

"Andiyan po ba si Mr. Tucker?" Tanong ko sa isang nagtratrabaho dun habang siya's nagpapala.

"Oo, Nasa itaas siya, Umakyat muna kayo habang Lunch Break ng mga nasa taas."  Sagot samin nung lalaki, Lahat sila ay naka yellow na helmet at naka orange na jumper. Buti naman at Lunch break nila, Kundi, Hindi kami papayagang umakyat.

Umakyat kami ni Julie at Clear sa building, Nasa 6th floor pa siya, Hindi pa nakapintura ang paligid, Halos makikita mo lahat ng Metal Bars na nakausli na nakapag pakaba sa akin. Habang umaakyat ako ay may nahulog na debris na kahoy sa akin, Pero nakaiwas ako.

"Pasensya na, Di ko alam na may tao diyan." May sumigaw mula sa 4th floor.

"Magiingat ka nga!" Sumigaw si Julie.

"Magiingat ka kasi, Alam mo namang Construction site tong Nilalakad natin." Sabi sakin ni Clear. At nagpatuloy kami sa pagakyat.

Natunton namin ang Lugar kung nasaan si James, Naabutan namin siyang may pinapagalitang construction worker.

"Sinabi ko kasi sayo, Kailangan mo munang perpektuhin yan bago mo minasa, Tingnan mo! Uulit na naman tayo!" Pasigaw na sabi ni James dun sa Lalaking pinapagalitan niya.

"Pasensya na po boss. Hindi ko naman alam na ganoon pala, Eh ang pagkakaintindi ko po kasi hindi na kailangang lagyan ng ganyang kulay bago i-finishing." Pagpapaliwanag ng napapagalitan.

Tinitingnan lang namin silang dalawa habang nagtatalo, Naghahanap lang kami ng Tyempo para makausap si James ng masinsinan at Personal. Nilingon nila kami at Pinansin.

"Anong kailangan niyo?" Tanong samin ni James habang naka-kunot ang noo.

"Ahm, Ikaw ang ipinunta namin dito." Sagot sa kanya ni Clear. Pinaalis niya muna ang pinapagalitan niya. Pagdaan sa amin ay narinig ko ang binulong niya.

"Sana mamatay ka na." Tiningnan ko nalang siya habang umaalis. Nilapitan kami ni James. At tinitigan niya ako ng malalim, Malalim na malalim.

"Pamilyar ang Mukha mo." Sabi niya sakin.

"Ako yung taong pumalit sa inuupuan mo sa rollercoaster 8 years ago." Sinabi ko sa kanya.

"Maupo muna kayo." Pinaupo niya kami sa isang mesa pang limahan, "Anong kailangan niyo sa 'kin?"

Nagumpisang magtanong ni Clear.

MY FINAL DESTINATION. (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon