Chapter 2. (Ang pagkakadiskubre sa Kambal)

1.2K 17 3
                                    

CLEAR'S POV.

--FLASHBACK--

"Alam mo na ba yung Balita?" Ang sabi sa akin ni William.

"Anong Balita?" Tanong ko sa kanya, Pagkatanong ko sa kanya, May iniabot siya sa aking isang Diyaryo. Dahil dun, Napakunot yung noo ko. At doon, Nalaman ko na hindi nagtagumpay na makatakas sa kamatayan sina Kimberly at Eugene. Nais ko mang tulungan sila, hindi ko naman magawa dahil na din sa kagustuhan ni Abby. Ang kakambal ko.

--END OF FLASHBACK--

Natigil ang Pagalala ko ng mga sandaling yun ng May tumawag sa cellphone ko.

Calling:

UNREGISTERED NUMBER.

Sino naman kaya ang tatawag ng dis oras ng gabi? At lalong hindi ko pa kilala. Sinagot ko yung tawag, Bahala na.

"Hello?"

"Humanda ka na clear. Babalikan ka na ng kamatayan mo."

"Hello? Hello? Sino ka?!"

Binababa niya na yung telepono.

--FLASHBACK--

Pinuntahan ko si William, Kamamatay palang ni Alex nun, Namatay siya dahil nahulugan siya sa ulo ng nahuhulog na Brick.

"Bakit ka andito clear? May bumabagaba ba sa isip mo?" Tanong sakin ni William, bigla nalang kasi ako pumunta ng walang dahilan. Biglang lumabas sa isang Pinto si Abby.

"Bakit ka nandito?" Tanong ko kay Abby.

"Lumayo ka muna, Takasan mo yung problema mo. Ako ng munang bahala sa Problema mo." Sabi niya sakin.

"Anong ibig mong sabihin?"

Nagpanggap na ako ang kapatid ko para lang malayo ako sa Press. Ginawa niya yun para protektahan ako, Nagkulong siya sa mental Institution para lang takasan yung mga humahabol sa kanya na dapat ako ang humahabol.

--END OF FLASHBACK--

--FLASHBACK--

FLIGHT 180 SOLE SURVIVOR IS NOW DEAD.

Nakita ko yang headline na yan habang nanonood ako ng TV, Napaluha nalang ako ng nalaman kong patay na ang kakambal ko. Imbis na ko ang mamatay, siya pa yung nadamay.

Nung nalaman kong nagtagumpay sina Kimberly at Thomas na takasan ang kamatayan nila sa hospital, Hindi pa din napanatag ang loob ko, dahil alam kong kahit anong mangyari, babalikan at hahabulin pa rin sila ng kamatayan nilang tinakasan nila.

--END OF FLASHBACK--

PAGKATAPOS NG 13 TAON, HANDA KO NG BALIKAN ANG RESPONSIBILIDAD NA DAPAT DATI KO NA GINAWA.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

BETTINA STRAINE IN MULTIMEDIA.

MY FINAL DESTINATION. (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon