Epilogue Part 2. (The Final Chapter)

735 6 9
                                    

A/N: Magpapahinga muna si Wendy sa Final Des7ination. Kawawa naman siya, Puro traumatic na ang nangyayari sa kanya. Ito na talaga ang Final chap. Maraming maraming salamat!!

Mwahugs.

--

*Wendy's POV*

Dumalaw kami sa America para dalawin ang Puntod ni Clear, Sa Canada na kasi kami nakatira ngayon, Si Simon nag Journalism ngayon. Kaya lalo siyang sumikat nung nalaman nila kung anong nangyari sa amin. Tungkol sa nakaraan naming mga biktima.

Tapos na din ang lahat, Habang nasa eroplano kasi kami, Nasabi na sa akin ni Clear kung anong ipinayo ni William sa kanya, at sinabi niya, Na kapag namatay siya, Gusto niyang ilibing sa tabi ni Alex.

Kaya heto ngayon, Nakatayo ako sa libingan nilang dalawa, Kahit hindi ko nakilala Si Alex, Alam ko kung gaano siya minahal ni Clear, at alam kong masaya na sila ngayon ni Clear kung saan man sila naroroon.

Nagsindi ako ng Kandila sa Puntod nila, At nagdasal ako. Pero nagulat ako kung bakit biglang namatay yung apoy sa loob, imposible naman yun, At nahaharangan ito ng baso, Atsaka hindi naman mahangin sa paligid, Maaliwalas nga ang panahon.

May Lumapit sa aking bata, May hawak siyang brown na teddy bear.

"Hindi pa tapos ang Kalbaryo mo, Ate." Nagulat ako sa mga binitawan niyang kataga, Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

Biglang may Pumuntang Nurse sa bata, At kinausap ako, Siguro yaya niya yun.

"Miss, Pasensya ka na ha. May sayad lang kasi sa utak itong si Julie." Nagimbal ako sa sinabi ng nurse sa akin, Julie din ang pangalan niya?

Kaya naman tumakbo ako paalis ng puntod ni Clear, Nakalabas na ako ng Sementeryo na yun. Ayoko ng balikan ang mapait kong nakaraan. Hiningal ako kaya naman Nagpahinga muna ako. Nasa tabi lang ako ng Main Road, Nakita ko si Simon na nagjojogging. 

Biglang humangin sa paligid ko, Kaya naman tinawag ko siya.

"Simon!" Narinig niya yata ako kaya naman nilingon niya ako.

"May nalaman akong--" Naputol ang sinasabi niya ng bigla siyang masagasaan ng rumaragasang bus, Kahit ako ay nagulat sa nangyari, Napatulala ako. Sana vision ko lang to, Kaso mukhang hindi eh.

Napaluha nalang ako sa mga nakikita ko. Nagkalat ang laman loob ni Simon sa kalsada, At utak niya at hiwa-hiwalay na parte ng katawan.

Tama si Julie (Yung bata).

Hindi pa natatapos ang kalbaryo ko.

At kung ano man ang nalaman ni Simon, Ay kailangan ko yung alamin.

MY FINAL DESTINATION. (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon