Chapter 5. (The Beginning)

798 7 0
                                    

*Wendy's POV*  

Pinagpapawisan ako ah, Pero malamig naman ang paligid dahil naka aircon, Halatang nilalamig na nga itong si simon, Habang ako nagpupunas ng Pawis siya niyayakap ang sarili, Nakaakyat na kami ng barko, Maganda ang paligid, Hindi ko maibaling ang tingin ko sa Chandelier sa taas, Kanina pa kasi umuuga.  

Nakaupo lang kami ni Simon, Si Julie, Nagsasalamin, Nagpapaganda.  

"Akyat tayo sa taas" Sabi sakin ni Simon.  

"Ang alam ko bawal yun ah." Sagot ko sa kanya.  

"Babalik naman tayo agad pag umandar na yung barko eh, Tingnan mo nga, Busyng busy yung mga crew."  

"Halika na, Gusto ko dun makalanghap ng fresh air." Sumingit nalang si Julie, habang nakatingin pa sa kanyang salamin.  

Umakyat nalang kami ng Shiptop, Pasensya na kayo hindi ko kasi alam ang tawag dun.  

~DECK 180~  

Nasa deck 180 pala kami, Kaya lalo akong naghinala at kinabahan, Pag akyat namin, Marami kaming nakitang tao sa baba, Marami pa pala kaming hinihintay na pasahero, Ewan ko kung bakit nagkaradyo sa itaas, Siguro gamit ng guard tuwing free time niya, Pero nasan na nga ba yung guard? Hindi ba dapat eh binabantayan niya kami. Kinalikot ni Simon yung radyo, Pipigilan ko sana siya, Pero habang kinakalikot niya yun, Bigla nalang tumugtog.  

♫ Rollercoaster..... Woo Ooh. ♫

"Pakilipat nga yung radyo." Bigla nalang bumilis tibok ng puso ko sa narinig ko, Parang may mali, NA NAMAN.  

♫There is someone walking behind you turn around look at me ♫

♫There is someone watching your footsteps turn around look at me ♫  

♫There is someone who really needs you here's my heart here's my hand ♫ 

♫Turn around look at me undertsand understand ♫  

Fuck, Hindi na ito tama, Bakit nagkakaganito? Bakit ganito mga naririnig ko sa radyo? Narinig ko na yung Busina ng barko, Hudyat na aalis na kami, Bababa ba ako? Huli na kaya ang lahat?  

"Patayin mo na yung radyo Simon, Bumaba na tayo." Sabi sa amin ni Julie. Pinatay na nga ni Simon yung radyo.  

"Halika na?" Tugon niya. Papunta kami ng Hagdanan ng may hindi kaming pamilyar na boses na narinig.  

"Bakit kayo nandito? Anong ginagawa niyo diyan? Mga trespassers kayo noh?!!" Nako shet, Dumating na yung security guard. Tinulak ni Simon yung Guard at nagmadali kaming bumaba ng Shiptop or whatever man ang tawag sa kanya.  

*Kate's POV*  

Bullshit! Nawala na si clear, Bakit ngayon pa na hindi namin siya makita kung kailan malapit na siya? Dumagdag pa itong si Mike na nakikipagtalo sa akin, Nakakadagdag bad vibes ha, Bakit pa kasi siya ang nakapartner ko dito sa trabaho kong ito?!  

"Nakita mo na siya?" Tanong sakin ni Mike na parang ako pa ang may kasalanan kung bakit nawala si Clear, Nambwibwisit nanamn ba siya?!  

"Maghahanap pa ba ako kung nakita ko na siya?!" Saktong sakto eh nakita ko si clear na papuntang hagdanan, Sakto talaga oh! "Nakita ko na siya, Sundan natin, Wag kang papahalata." Pinuntahan namin siya, Nakita namin siya, Nasa tapat sila ng hagdanan, Nagtago kami sa pader, may nakita akong kausap niya, Siya yung mga kasama ng nakabungguan ko kanina, Bakit naman kaya niya kausap yung mga yun?  

"Wendy's POV"  

Tinakbuhan namin yung security Guard na mas mukha pang bouncer. Ano bang malay ko kung bakit pumasok sa utak ni simon na itulak yung lalaking yun? Saglit lang? Si clear ba yung nakikita ko, Kailangan ko siyang makausap.  

"Clear Rivers!" Tinawag ko siya at napalingon siya.  

"Anong kailangan mo?" Tanong niya sa akin, at mabuti nalang hindi niya kami iniwasan.  

"Kailangan namin ng tulong mo, Nangyayari sa amin yung --" Naputol ang sinasabi ko dahil biglang lumindol sa barko. Puta, nangyayari na siya.  

"Sundan niyo ako." Sabi ni clear, nung paglakad namin, May nakita kaming lalaki at babae na kanina pa pala kami tinititigan.  

"Kayong dalawan, Sundan niyo na din ako." Sabi niya sa dalawa, Sumunod na nga yung dalawa sa amin, natatakot yung babaeng kasama niya, lumalaki ng lumalaki yung lindol sa barko, kaya nasagasaan ng trolley yung babae, bigla napatalsik siya sa pader na may nakausling bakal, Under contruction pa naman yung lugar kaya mas lalo akong kinabahan. Nakita ko siya, Tumagos sa mata niya yung bakal sa kaliwang mata niya.  

"KATE!!!" Napasigaw at napaluha nalang yung lalaking kasama niya.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

ROBERT JERNOS IN MULTIMEDIA.

MY FINAL DESTINATION. (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon