Chapter 16. (The Butterfly Effect)

553 6 0
                                    

Pumasok na sa loob ng Skating Rink si Bettina, Kasabay din nito ang mga magagaslaw at malalambot na galaw na nagpapatunay na karapat-dapat siyang magtanghal sa loob ng malamig na lugar na iyon. Nakasuot si Bettina ng Kulay Itim na masikip na stretchables, At paldang kulay itim na mala Black-Swan.

Ang buhok naman niya ay naka "Bun" at nakahikaw siya ng kulay puting perlas, Hindi mapigilan ni Wendy na magisip ng masama sa susunod na mangyayari, Dahil alam niyang si Bettina na nga ang susunod, Gusto niya itong pigilan habang papalapit ng papalapit sa Sentro ng Rink para lang mailigtas ang buhay nito, Pero ayaw naman niyang gawin yun dahil alam niyang Iniaalay ni Bettina ang sayaw na ito para sa kanyang Ina.

Nakarating na si Bettina sa Gitna ng Patanghalan niya, At hinanda ang Kanyang unang posisyon, Bawat galaw ni Bettina ay Malaking kaba ang binibigay kay Wendy, Sinasabi niya na lang sa sarili niya na Huli na daw yun, dahil titigil na siya at magtutulungan silang labanan ang kamatayan.

Nagumpisa na ang musikang sasayawan ni Bettina, Bawat beat na naiibigay nito ay isang makapigil hiningang mga galaw ng katawan o sayaw ang ginagawa niya.

Pero di niya alam na maluwag na ang bakal sa ilalim ng sapatos niya.

Nagpalibot libot sa bilog ng Ice Skating Rink si Bettina habang di alam ang mga susunod pang mga mangyayari, Ang gusto niya lang talaga eh Makapagperform. Sumasabay din ang mga spotlight sa kanya kung saan siya mapadpad, Ang mga tao ay nagagandahan at namamangha sa binibigay niyang performance.

Makikita mo sa mga contestants na bata ang galak sa pagkakita kay Bettina habang sumasayaw, Balang araw ay magsasayaw din sila ng ganyan.

Nasa entrance pa din ng Ice Skating Rink ang Tatlo, Na sina Wendy, Julie at Clear, Kinakabahan ang tatlo sa susunod na mangyayari, Hinihiling nila na sana hindi pa oras ni Bettina, Sana hindi siya bawian ng buhay sa loob ng Ice Skating Rink na yan.

Nalalapit ang mga galak ng Judges at Choreographer ni Bettina dahil nalalapit na ang Pinasikat na Signature Move ni Bettina, Ang Butterfly Effect, Kung saan siya tatalon siya at magpapaikot ikot sa ere ng 3 segundo. Ang signature move na ito ang laging nagpapanalo kay Bettina.

Pumunta si Bettina sa Gitna para maghanda sa kanyang 'Butterfly' effect, Tumalon siya at nagpaikot ikot sa ere, Habang nasa taas siya ng hangin ay napahawak si Julie sa Kamay ni Wendy, Si Clear naman ay Hinawakan ang dalawang kamay and She Pressed Her Lips.

Unang lumapag ang bakal ng sapatos niya, Dahil sa lakas ng pagkakabato niya dito kanina, at dahil sa bilis ng pagiikot diya, Tumupi ang bakal nito at nagsanhi para siya ay ma 'out of balance'.

Nagtayuan ang mga tao sa nakita nila.

Nakahandusay si Bettina sa Malamig na yelo Habang nagkabali-bali ang Binti neto, Nabasag din ang Baba nito dahil sa malakas na pagkakadapa.

MY FINAL DESTINATION. (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon