Chapter 19. (Ang Industrial Fan)

549 5 0
                                    

Kaalis lang nila sa mourge at medyo maganda ang panahon, maaraw kumbaga.

Habang nagdadrive pauwi silang tatlo, Bumabagabag pa din sa isip ni Clear ang sinabi sa kanya ni William, Para itong tula na kailangan niyang intindihin at isolve. Kailangan niya bang isakripisyo lahat ng napagdaanan niya para wala ng madamay?

"Dumaan muna tayo sa bahay ng tiyahin ni Simon, tapos na kasi yung trinatrabaho niya dun, kaya maari na siyang makasama sa atin." Sinabi ni Wendy habang nagdadrive. Pagkasabi ni wendy at maririnig mo ang *snap* ng foundation ni Julie.

"Ano? Pagod na ako, pwede bang bukas na yan?" Nagrereklamong sabi ni Julie sa ate niya.

"Hindi talaga pwede eh, nakapag oo na ako sa kanya kanina." Sagot ni Wendy sa kanya.

"Edi kung ganun bababa nalang ako, mag ta-taxi nalang ako pauwi."

"Walang bababa, mamaya ay mapano ka diyan, di ka ba nadala? Lagi ka nalang nililigtas ng ate mo." sagot ni Clear sa kanya.

"Whatever" nakangusong sabi ni Julie.

Kaya naman tinuloy nila ang pagpunta sa bahay ni Tiyahin ni Simon. Nakarating naman sila sa bahay nila simon ng matiwasay, kaso bad trip pa din si Julie dahil pagod siya at mukhang mabobored siya.

Hanggang 3rd floor ang bahay nila, makikita mo sa taas ang mga paso na naalagaan talaga ng tiyahin niya, naghihintay lang sila ng lumabas si simon.

"Kanina pa kayo diyan?" Tanong niya.

"Kararating lang namin." Nakangiting sabi ni Wendy.

"Eh bakit naman naka busangot tong si --" May lumabas na batang lalaki, mga 14 years old, pamangkin yun ni Simon, Apo ng Tiyahin niya.

"Kuya, ayaw talagang gumana ng Industrial fan eh, Pero tinawagan ko na yung repairman, 1 hour ay dadating na siya."

[A/N Industrial Fan - ISANG MALAKING ELECTRICFAN]

Nagiihaw kasi si simon ng BBQ para may kainin sila, at ang industrial fan ang gagamitin nila, para hindi sila mahirapan, kaya pinapasok niya ang tatlo kaso nagpaiwan nalang si Julie sa labas.

"Hindi naman kayo magtatagal diba?" Masungit na tanong ni Julie.

"Hindi ka magtatagal para sayo." Nang aasar na sabi ni Wendy sa kanya, kaya naman pumasok na sila pero naiwan si Julie sa labas ng bahay, kinuha nalang niya yung upuan at umupo,  malapit sa likod niya ang Industrial fan na sira.

May Lumapit na pusa sa kanya, Kulay itim ang balahibo nito at kulay blue naman ang mata nito. Natipuhan naman ito ni Julie kaya naman ito kaya kinuha niya ito at pinaupo sa lap niya. Pinet niya ito ng ilang minuto, at mukhang gusto naman siya ng pusa, kaya naman binuhat niya ito at nilapit ang mukha niya sa mukha ng pusa, kaso bigla siyang kinalmot nito at tumakbo papalayo sa kanya, kinuha niya ang kanyang foundation at nagsalamin para naman makita kung anong nangyari sa mukha niya.

"Gagong pusa yun ah." Habang tinitingnan ang mukha niya sa salamin ng foundation.

Ang pusa naman at umakyat sa La Mesa at nasanggi ang baso kaya natapon ito sa extension plug sa ibaba, dun din ang lugar kuing saan nakasaksak ang sirang industrial fan. Kaya naman makikita mong mag sspark ito.

Habang nagsasalamin siya gamit ang kanyang foundation, biglang umandar ang kaninang tahimik na industrial fan kaya naman nasipsip nito ang buhok niya, nagulat siya kaya naman nagpanic siya, dahil hindi siya sanay sa ganitong sitwasyon at lagi kasing nandyan ang ate niyang laging nakaalalay sa kanya.

"Aaaaaaah." Sumisigaw nalang si Julie habang nakahawak sa buhok niyang sinisipsip ng Fan. Kinakapa niya ang mga bagay sa paligid niya hanggang sa makapa niya ang pusa kanina, kaya naman pinalo niya ito na nagsanhi ng pagtakbo ng pusa papalayo sa kanya.

Ang nakikita niya lang ay ang Paso sa taas ng Terrace ng Third floor, at doon, nakita niya ang Pusa kanina kaya naman nasanggi nito ang Paso.

Sumakto ang pasong nahulog sa ulo niya.

Huli na ng dumating sina Wendy, tanging durog na mukha nalang ni Julie ang nakita nila.

MY FINAL DESTINATION. (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon