Chapter 6. (Ang Pangitain)

784 8 5
                                    

Habang Umiiyak at tumatakbo yung lalaki (Mike) papunta sa babaeng (Kate) nasagasaan ng trolley, Nakita namin yung Champion Ice Skater papunta samin, Nang bigla siyang nadaganan ng mga nalaglag na bato na nagmula sa semento.

"Help Me Please!!!! Ayoko pang mamatay." Umiiyak na humihingi ng tulong samin si Bettina, Gusto namin siyang tulungan pero wala akong magawa. May pumipigil sa akin. Hindi ko din alam kung bakit nagdalawang isip pa yung lalaki kung tutulungan ba siya o hindi,  Tumingin siya, Kanan-Kaliwa, tapos tumakbo siya papunta kay Bettina, Kaso nabagsakan siya ng nagaapoy na Chandelier, kaya natuhog yung tiyan niya ng patulis na chandelier habang nasusunog.

Dahil nga nsa restricted area kami, Kaya maraming drum ng gas, Habang nasusunog yung katawan ni Mike, natumba yung drum kaya gumapang yung Gas papunta kina Bettina at Mike, Hindi sila makapiglas sa sunog, Dahil si Bettina, Nadaganan ng mga bato at si Mike, Natusok ng Chandelier. Sumabog yung Lugar nila at Nakita kong tumalsik sakin yung naputol na paa ni Bettina.

"Umalis na tayo dito." Sabi samin ni Clear.

Nang bumaba kami, nakita namin yung mga tao, Nagtatalunan na sa bintana, Bakit hindi ko ba naisip yun?

"Tumalon nalang tayo." Alok samin ni Julie.

"Wag, Masyadong mataas pa dito, at lalong delikado kung dito tayo tatalon, Hindi rin tayo mabubuhay kasi maraming materyales ng barko ang maaring makatama sa atin sakaling tumalon tayo. Wala na tayong magagawa kundi labanan ito." Paglalaban ni Clear.

"Ano bang gusto mo?! Mamatay tayo ng walang kasiguraduhan?!" Mukhang nasigawan ko pa yata siya ng di sinasadya.

Putang inang to. Mamatay na yata Kami.

Tumakbo kami, Hanggang nakakita kami ng isang malaking salamin, Nakatapat si Julie sa salamin at bigla nalang itong sumabog kaya natusok siya ng salamin, Napuruhan siya sa Mata.

"Julie!!" Pupuntahan ko sana siya, Pero pinigilan ako ni Simon, Umiiyak na ako. Natataranta ako Lalo.

"Umalis na tayo dito, Patay na siya." Galing kami sa Pinakamataas na deck ng barko kanina, Kaya kailangan naming bumaba para ligtas ang pagtalon, ngayon nasa 3rd floor na kami, Kaunti ang tao dito, Yung iba nagsitalunan na.

"Wag kang ---" Naputol ang sinasabi ni Clear ng Masaksak siya ng Lumilipad na kutsilyo sa leeg. Patay na siya, Tumakbo nalang ulit kami ni Simon pababa, na may dalang pagasang mabubuhay pa kami, hanggang makarating kami sa second floor kung saan nandoon ang Foodcourt ng barko, Biglang napatid si Simon kaya nasubsob ang mukha niya sa basag na baso. Lalo akong naiyak.

"Umalis ka na!"

Tumakbo ako papuntang bintana, Nakikita ko yung mga lumulutang na katawan ng mga taong patay na. Mga Life Jackets at mga sira sirang materyales ng barko na palutang lutang na inaanod ng dagat. 

Biglang sumabog yung barko.

Nakita ko yung lasog lasog kong katawan habang nahuhulog.

Nagising ako, Pangitain lang pala ang lahat ng yun. Lahat. Nakita ko sa isip ko kung paano kami mamamatay.

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

WILLIAM BLUDWORTH IN MULTIMEDIA.

MY FINAL DESTINATION. (FINISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon