CHAPTER 4:
DEVON's POV
Napatingin naman kami sa taong Kumalabog ng Lamesa . Isang grupo ng Lalaki. Muka maiinit ang ulo.
"Sino nanakit at nagbanta sa Girlfriend ko?"
Di ko na binigyan ng Atensyon ang mga Lalaki yun.
"Andito na sila ang DEMONS"~Sambit ng isa sa mga Estudyante na nasa Likod ko.
DEMONS? Kung ganun sila pala yun.
Naramdaman kong may presensya sa Aking Harapan pero di ko ito pinansin kumain lang ako ng kumain.
"Hoy! Babae ikaw ba ang nagbanta at nanakit sa Girlfriend ko?"~Sabi ng Isa Sakanila na mukang ito ang namumuno sakanila.
Napatingin naman ako sakanila at sumandal sa Upuan ko. Bignigyan ko lang sila ng malamig na Tingin.
"Miss Sumagot kana kung ayaw mong magising ng nasa impyerno kana"~Ani pa ng isa tsaka sila Tumawa ng Sabay sabay maliban sa Isa. Sya yung sumigaw kanina sya yung may Girlfriend.
Hinawakan nung lalaking sumigaw kanina yung panga ko. Pero di parin ako nagpatinag tinignan ko parin sya ng Malamig.
"Ayaw mo pa namang mamatay hindi ba? Madali lang ako kausap magsorry ka tapos ang atraso mo. Binibigyan kita ng chance para mabuhay, Baguhan."~Sambit nya pa.
Ang lalaki ito ay May itsura, Gwapo sya kung ikukumpara sa mga Estudyante dito. May itsura sila lahat kung ikukumpara sa iba.
Tinignan ko muna sya bago tumayo wala akong dapat ikahingi ng Tawad. Una sa lahat kung binantaan ko man yun, yun ay kasalanan ng Girlfriend nya at di ko kasalanan yun.
"Ayaw mo? Mamatay ka!"~Sabi nya na may nakakakilabot na ngiti sa mga labi. Nakita kong naglabas sya ng isang Dagger, pero pinag sa walang bahala ko lang yun.
Umupo ako ng Maayos at dumekwatro at tumawa ng peke at sarcastic. Di malakas di mahina alam kong sapat na para marinig nya.
"Ako? Magsosorry?"~Sambit ko.
Napatingin naman sila sakin ng masama.
"Mister. Alam mo ba ang ginawa ng Girlfriend mo?"~Malamig na sabi ko.
Naningkit naman ang mata nya. May biglang sumigaw na Babae at lumapit sa lalaking kausap ko. Sya yung babae binantaan ko.
"Phoenix, Kung ano man ang sasabihin nya Wag kang maniwala sakanya sinaktan nya ako binantaan. Babe wag kang maniwala sa sakanya isa lang syang Baguhan."~Sambit ng Babae
Ah kaya pala. Iba ang sinabi nya sa Lalaking to? Di ko sya pinadapuan ng kamay ko ha?baka madumihan lang ang mga kamay kong to.
"Kadiri"~Walang emosyon kong sambit tsaka naglakad na palayo sakanila. Pano ba naman kasi nakayakap yung babae na tila anytime gusto na nyang pugpugin ng Halik yung Phoenix na sinasabi nya.
BINABASA MO ANG
BLOOD ACADEMY
Детектив / ТриллерAng SCHOOL na Gugustuhin mo wag Pasukan Chaaaarrrr~ XD Just Read it :)