CHAPTER SEVEN

11 0 0
                                    

CHAPTER 7:

DEVON's POV

Kinabukasan maaga akong nagising. Nakita kong maayos na ang isang kama sa tabi ko.  Wala na si Shaira maaga syang nagising?
Tumayo na din ako may nakita akong papel sa Tabi ng Lampshade, note ito.

'Good morning Devon ^_^ thanks sa pagpapatulog mo sakin sa dorm mo kagabi. Hindi na kita ginising dahil ayaw ko naman na makaistorbo sayo :) see you!'

~Shaira

Ayan ang mga nakasulat sa note. Di parin ako makapaniwala na nakapagopen up ako sa isang na hindi ko masyadong kilala -_-

---------*

Nag-ayos na ako para papuntang room namin. Naglalakad na ko ako sa Hallway ng tumunog ang speaker sa mga Hallway.

"Hello students! All students Proceed to the Gymnasium now!  I have a announcement for everyone"

Salita galing sa Speaker. Kaya imbis na pumunta ako ng Room namin dumeretso ako ng Gym para sa gaganapin na Anunsyo ni Ms. Gilbert.

Matagal bago dumami ang mga estudyante pero napuno din ito pagkatapos ng ilang minuto. Nakita namin si Ms. Gilbert na paakyat ng Stage. Ano kaya ang iaanunsyo nya?

"To all of the students!  Pinakacancel ko po muna ang inyong pasok dahil may gaganapin na pagtitipon dito bukas ng gabi at dadalo ang mga tao na nagtatag ng Blood academy. Kailangan natin maihanda ang ating paaralan upang ito ay prensentableng maiihaharap sa matataas na tao. Malinaw ba? At lahat kayo ay pwedeng dumalo at para makilala nyo narin ang mga tao sa likod ng Blood Academy"~Ms. Gilbert

Mga taong nasa likod ng Blood Academy? Ano naman klaseng mga tao yun?

"Sge maaari na kayong bumalik sa kanya-kanyang mga silid nyo upang magpahinga"~Ms. Gilbert

Naglakad na ang mga Estudyante halatang nasasabik sila sa mangyayaring kasiyahan bukas. Ako?  Nagtataka parin ako hanggang ngayon may magtatag nga ba sa Eskwelahan nato?

-----------*

Pumunta ako ng Cafeteria upang kumain. Pero sa kabilang banda ng aking inuupuan. May babae nanaman na binu-bully.  Di ko na ito pinansin ayoko ng madamay sa mga kalokohan ng mga estudyante dito -_-

"Hoy! Umamin kana kasiIkaw ang pumatay kay Evans at Mitch no?"~Ani ng isa sa mga Nangbu-bully sa babae.

Iyak ng iyak yung babae na binu-bully dahil siguro eh wala syang alam sa mga Sinasabi ng mga ito.

"Hoy babaeng tanga! Nadaming nakakita sayo na nandoon ka daw sa mga pinangyarihan ng mga Insedente! Kaya umamin kana? "~Sabi pa ng isa

BLOOD ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon