CHAPTER TWO

15 0 0
                                    

CHAPTER 2:

DEVON's POV

"Andito na tayo sa Blood Academy"~Sambit ni Ate habang may nakakakilabot na ngiti sa mga Labi.

Di ko mawari ang pakiramdam na ibinibigay ng School na to. Sobrang nakakakilabot at nakakatakot. Tinignan ko ang kabuuan ng Lugar, magubat ito tanging ang kalsada lang sa gitna ang tanging walang mga puno habang ang dalawang gilid ng kalsada may mga naglalakihang puno.

Kawalan ito.

"Ano na? Pumasok kana. Ano akala mo sasamaham kita sa loob ng eskwelahan nayan? Hahahaha Pero sorry to tell you hindi kita sasamahan sa loob ng nakakatakot na eskwelahan nayan kaya pumasok kana"~Nakangising sambit nya tsk.

Nag simula na kong maglakad patungo naglalakihang gate ng eskwelahan na yun, di ko na pinansin ang aking kapatid. Palapit na ako ng palapit sa gate ng may maaninag akong Lalaki sa Gate na maliit na tingin ito ang ginagamit na pasukan.

"Good luck sis Hahahahaha"~Wika ng aking Kapatid.

Hindi ko sya pinansin. Pero nagbigay sakin ng kakaibang pakiramdam ang mga binigkas na mga salita nya. Tuluyan na ko nakalapit sa Gate at dun sa may lalaking makatayo dun.

"Magtratransfer ka ba dito?"~Sambit nung lalaki sa Gate. Napatingin ako sakanya. Hindi ko alam lahat yata ng bagay sa School na ito ay nakakakilabot pati ang mga tao.

Nakangisi syang tumingin sakin may peklat sya sa kanang mata madaming tattoo ang mga magkabilang braso nya. Malaki din ang pangangatawan nito pero ang awra na nakita ko kanina sakanya ay di nagbago ito ay nakakakilabot at nakakatakot.

Tumango lang ako sakanya bilang sagot sa tanong nya.

"Kung ganun sumunod ka sakin at dadalin kita sa Admin Office"~Nakangisi nya sambit.

Naglakad kami sa loob ng School napag-alaman ko din na maraming estudyante dito nung unang kita ko sa School na ito akala ko ay Walang mga tao. Nakakapagtaka ang mga Ekspresyon sa mga mata nila. Parang natutuwang makakita ng tao mula sa Labas? What's with them?

Nakarating kami sa Admin Office na Sinasabi ng Lalaking nasa Harapan ko. Tumigil kami sa isang malaking pintuan.

"Maiwan na kita"~Sambit ng Lalaki

Tumango ako sakanya at walang sinabi at pumasok sa Pintuan . Bumungad sakin ang isang tao na nakatalikod sakin. Humarap ito at tumingin ng deretso saking mga mata. Katulad ng sinabi ko kanina lahat ng Bagay at Tao dito ay nakakakilabot at nakakatakot katulad ng babaeng nasa Harap ko pero ang isang ito ay kakaiba.

"Ikaw pala yung sinasabi nya. Ikaw pala yung lilipat ng School"~Nakangiti nyang sambit.

BLOOD ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon