CHAPTER NINE

11 0 0
                                    

CHAPTER 9:

SEBASTIAN's POV

Nakarating kami ni Phoenix sa isang Abandunadong lugar. Meron pala nito sa Loob ng Paaralan namin nagiisang pinto lang ang meron dito sa May West wing. Tulad ng inaasahan ko madaming nakakubling sekreto ang paaralan na to.

Pero pagpasok namin ni Phoenix di namin inaasahan ang makikita namin.

May tatlong lalaking nakabulagta sa sahig puro dugo ito madaming saksak ang mga katawan halatang ayaw ng buhayin ng Babaeng nasa Mini stage ngayon.

Nakakakilabot ang mga ngiti nito para bang gustong gusto nya ang ginagawa nya. Walang awa nyang binitawan ang lalaking kanina nya pa sinasaksak. Di ako makapaniwala parang di ko sya kilala.

Di ko namalayan na hinila na pala ako ni Phoenix upang magtago.

"Wala sya sinasanto! Baka kapag nakita nya tayo eh patayin nya tayo."~Phoenix

Napatingin muli ako sa Babaeng Tuwang tuwa sa pagpatay. Demonyo sya akala ko simpleng babae lang sya. Ngayon nakikita ko na ang kademonyohan nya? Sya ba talaga yan?  Parang ayokong maniwala.

"Parang di nakaka kikilala ng mga tao sa paligid nya"~Phoenix

Ramdam ko ang nginig sa Boses nya Hindi dahil sa takot kundi sa ayaw nya ang nakikita nya. Napansin kong may gumalaw sa may bandang likod ng Stage may tao dun.

"May tao dun sa Likod ng Stage. Malamang di sya isa sakanila dahil ito ay nagtatago"~Phoenix

Tama? Dahil ang mga kumuha kay Devon ay patuloy na nagsisi labasan. Napatingin ako sa Babaeng kanina may Ngiting malademonyo sa mga labi.

"Nawala na sya kontrol Phoenix."~Sambit ko
"Tama kaSebkailangan natin makapunta sa Likod ng stage"~Sabi nya.

Tama kailangan muna namin makita kung sino man ang nasa likod ng stage.

Muli akong napatingin sa babaeng na ngayon ay nakaupo na meron parin itong ngiting malademonyo.

Devon? Anong nangyayari sayo?

"Ano ba Seb tara na!"~Tawag ni Phoenix

Mabilis na sumunod ako sakanya. Pero napatigil naman kami dahil sa boses na narinig namin.

"Anong ginagawa nyo dito?"

Napatingin ako sa nagsalitang si Devon.  Bumalik na ang dating ekspresyon nya. Pero miya miya nasilayan nanaman namin ang isang Malademonyong ngiti nya.

Bumaba ito sa stage puro dugo ang damit nito di ko sya makilala.

"Devon? Ligtas ka! Akala ko kung ano ng nangyari sayo eh hehe"~Sabi ko sakanya.

Di sya sumagot. Sa halip tinignan nya lang ang mga lalaking nakabulagta sa sahig.

"Sagabal silang lahat! Kaya pinatay ko sila"~Sambit nya mula sa malamig na Boses at nakakakilabot.

BLOOD ACADEMYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon