CHAPTER 10:
—KINABUKASAN—
DEVON's POV
Andito kaming mga Estudyante sa may Court. Nag-aayos kami para mamiya sa gaganapin na party dito sa B.A, kanina lang idineklarang walang pasok na magaganap ngayon dahil nga sa party mamiya.
'Anong klase kaya ng tao ang mga magpupunta dito mamiya at ano ang maaring koneksyon nila sa Blood Academy? Tulad din ba sila ng mga tao dito? Nakakatakot at nakakakilabot?'
Patuloy ako sa pagdikit ng mga Kulerete sa mga pader at poste, pero di ko pinapansin ang ginagawa ko.
"Ano ba yang ginagawa mo? Party ang gaganapin mamiya at may mga matataas na tao, well kung ganyan ang makikita nila tulad ng Ginagawa mo malamang di nila magugustuhan tsk. Ayusin mo yan Bitch"~Inismiran pa ako nito bago umalis isa ito sa mg kaibigan nung Girlfriend ng Phoenix nayun, tanda ko yung mga pagmumuka nitong mga to mga walang kwentang tao -_-
Napatingin naman ako sa Ginagawa ko. Nakita ko yung ginawa ko napagpatong-patong ko na ang dapat na hiwalay hiwalay na papel na to. Masyado ba akong occupied sa mga iniisip ko?
'Ano nga bang nangyari sakin Kagabi?'
Kanina kasi. Nagising nalang akong magisa At nagiwan nalang ng note si Shaira na Kung nagising nako ay pumunta na ng Gymnasium para dito nga at simula din kahapon di ko pa nakikita si Ace at ang Pnoenix nayun.
Ang natatandaan ko lang yung Pagbukas ko ng Pinto at may biglang Humila sakin and then wala na kong maalala. Natatakot ako sa mga pwede kong magawa. Feeling ko di ako ang kumokontrol sa Pagkatao ko kagabi. Ganun din yung naramdaman ko dati at sya naman ang dahilan nun.
------------*
Lunch na matapos kami sa Ginagawa namin. Karamihan ng student ay nasa Cafeteria habang ako ay pabalik na sa dorm ko. Habang naglalakad ako iba ang pakiradam ko feeling ko may nakamasid sakin hindi lang isang tao kundi dalawa o tatlo sila. Ewan ko ba Matagal ko ng nararamdaman to. Pero pinagwalang bahala ko nalang dahil wala namang nangyayari di maganda.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko hanggang sa makarating ako sa Dorm ko. Ngunit nakaagaw ng atesyon ko ang Red Box sa may pintuan ng Dorm ko. Di ako nagdalawang isip na kunin iyon at ipasok sa Loob.
Inilagay ko ito sa ibabaw ng kama ko at umupo din ako. Binuksan ko ang Kahon. Tumambad sakin ang isang Damit. Formal ito, Ito din ang ang karaniwang sinusuot kapag may pupuntahan na Okasyon. Tulad mamiya.
Kung titignan ang damit na ito ay eleganteng tignan kung sino man ang magsusot nito. Unluckily ako ang magsusot nito at hindi ako nagsususot ng mga ganitong damit. Tumingin pa ko sa kahon may isa pa kasing kahon na tingin ko ay naglalaman ng Sapatos. Binuksan ko din ito at nakita kong pula ang kulay nito napaka ganda nito bagay na bagay ito sa may damit. The problem is yung magsusuot it's not my thing.
BINABASA MO ANG
BLOOD ACADEMY
Mystery / ThrillerAng SCHOOL na Gugustuhin mo wag Pasukan Chaaaarrrr~ XD Just Read it :)