Chapter 5

38 4 2
                                    

Lorenz Ivan

"Ano? Siya ba yung sinasabi mong mahal mo?" sabi ni Monique... Ano bang problema ng babaeng 'to? Ayoko na sa kanya... Nadala na ko.

"Pakialam mo ba ha? Lumayo ka na nga sa akin! Hindi na kita kailangan!" sigaw ko. Nakakainis na kasi sya. Kung kelan na nanahimik na ako saka sya nanggugulo... Umalis na ako sa mall dahil nababadtrip ako... Sa susunod na araw ko na lang gagawin yung appointment ko...

As I am walking...

"Ivan..." mom said..

"Yes mom?"

"We need to talk."

"About what?"

"Sino si Monique? Why is she looking for you? Is she your girlfriend?"

"She's his ex mom." sabat ni Trisha... Edi sana si Trisha na lang tinanong dahil sya rin naman sumagot...

"Got to go mom. I'm tired..." sabi ko para makaiwas sa mga susunod na itatanong ni mom.

"Tired? Umaga pa lang kaya kuya..." sabi ni Trisha... Pakialamera ka talagang babae ka.

"Pabayaan mo na ang kuya mo Trisha... Ganyan talaga pag college... Laging pagod..." sabi ni mom... Umakyat na ako sa kwarto ko at humiga sa kama.

Narinig kaya ni Sabrina yung usapan namin ni Monique kanina? Bakit naman kasi sa lahat pa ng oras na kausapin ako ni Monique ay yung oras na di ko aakalain na nandun si Sabrina? Makatulog na nga lang... Sasakit lang ulo ko kakaisip.

Sabrina Ericka

"Sab! Okay ka lang ba? Di mo pa kasi ginagalaw yung lasagna mo eh." sabi ni Aya.

"Oo. Okay lang ako." sabi ko... Pero sa totoo, hindi ako okay... Dapat malaman ko kung ano ang dahilan ng pagiging heart breaker nun ni Lorenz.

"Kainin mo na yang pagkain mo..Sige ka kakainin ko yan." di ko mapigilang tumawa sa sinabi ni Aya... Why so takaw? :3

"Oo na... Ito na oh... Kakain na." sabi ko... Kailangan kong itago kay Lorenz na may narinig ako... Gusto kong siya mismo ang magkwento kung ano ang nangyayari between him and the girl. Para malaman ko kung bakit sandamakmak na babae ang nasaktan nya.

A Former Heart Breaker's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon