Lorenz Ivan
Takte! Napahiya ako kanina dahil sa Ramirez na yan... Makakaganti din ako sa babaeng yun!
"Uy alam nyo ba napahiya si Baby Ivan dahil sa Ramirez na yun."
"Oo nga daw... Tapos nag-iba na daw yung girl na yun... Dati tahimik ngayon mapang-asar na."
"Yeah right... Sinabihan ba naman ako na saan ang kiddie party porket naka make-up ako."
"Iganti natin si baby Ivan..."
"Nice idea. Alam ko na kung ano ang gagawin..."
Mehehehe... Makakaganti na din ako sa kanya... Kahit na indirect na pagganti yun... Wahahahaha... Pinahiya mo ko, mapapahiya ka sa gagawin nila...
Sabrina Ericka
Uggh... Nakaka-ilang... Mga mata ng mga 'to sarap tusukin... Yung totoo, may red card ba ako sa likod? ?_?
"Hey Sab." sabi ni Kenley. Kambal ni Aya. Bestfriend ko din yan.. Mas mukha pa kaming magkapatid nito eh.
"Sup bro?"
"Okay lang... Ikaw?"
"Hindi eh..."
"Bakit?"
"Nakaka-ilang kasi... Pinagtitinginan nila ako.. At sigurado akong pinag-uusapan din nila ako.. Best, may red card ba ko sa likod?"
"Ha? Ano ka si Shan Cai" natatawang sagot niya. "Kaya sila ganyan kasi kalat na kalat na napihiya si Lorenz sa isang subject... At sinisisi ka nila."
"Kasalanan ko bang sitahin siya. Eh di ko na nga pinapansin yun eh. Big deal ba sa kanila yun na una ako yung pinili niyang partner tapos ngayon napahiya siya... Tss..." sabi ko tapos napansin kong ang sama ng tingin nung tatlong beki sa kabilang table...
"Ano bang problema nyo ha at tingin kayo ng tingin dito?!?" sabi ko dun sa tatlong beki.
"Ang gwapo kasi ng kasama mo teh." walanjo... Ang landi naman nito.
"Teh boyfriend mo?" tanong nung isa.
"Pake mo ba?!?"
"Ay ang taray ng loka... Di naman kayo bagay eh..."
"Anong sabi mo? Sinabi ko bang bagay kami..." pagtataray ko at nasindak naman sila at umalis.
"I'm sorry Ken. Maya na lang ulit ha? Magbibihis lang ako... PE class kasi namin eh."
"Uhmm sige... Ingat ka ah... Alam mo naman baka pagtripan ka ng mga fans nun."
''Oo mag-iingat ako."
Habang naglalakad ako papuntang locker area na nakalaan lang gamitin kapag PE class.. Di ko pa rin maiwasang ma-ilang... Nakakaurat -_-"
Lorenz Ivan
Ano kayang plano nung mga babaeng yun sa Ramirez na yun? Pero sigurado akong mapapahiya talaga siya *evil smile*
"Bro, PE class na... Wala ka bang balak magpalit?" tanong ni Hector. Kabarkada ko.
"Actually gagawin ko na yan eh... Sinabi mo pa.." sabi ko. Di na ako makapaghintay na makitang mapahiya yung babaeng yun...
After 12345678910 years de joke, 3 minutes, pumunta na kami sa gymnasium... Magkalapit lang naman ang locker area sa gym eh... Anong oras ba gagawin ng mga yun yung plano nila? -_-"
"Bro nakita mo ba yun?" sabi ni Hector.
"Nakita ang alin?"
"Binasa ng mga girls si Ramirez pagkalabas na pagkalabas sa girl's locker area."
"Oh? Sayang di ko nakita." haha... Kahit di ko nakita di ko mapigilang tumawa... Buti nga sa kanya...