Vacation na xD Ngayon lang sinipag mag UD =) Dedicated kay Yam ang chapter na 'to xD
Hi Yam!!! Ganda mo =) Mehehehehe xD Happy Vacation! =)
Have a blessed Holy week guyth! =)
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sabrina Ericka
*yaaaawwwwwwnnnnnnnnn* Ano ba naman yan? Ang aga aga, naisipan agad tumawag...
Lorenz Ivan calling...
Accept >>>>> <<<<<Decline
Accept!
"Ano bang problema mo ha? Umagang umaga nambubulabog ka... Nauntog ka ba?"
"Be my girlfriend."
"Siraulo ka ba o siraulo lang talaga? Itulog mo na lang yan... Hindi kasi nakakatuwa yang joke mo."
"I'm serious."
"Wala akong pake kung seryoso ka or not. Nangjo-joke time ka lang eh.. Baboo!" sabi ko at sabay end call...
*krrrrrrrriiiiiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnnnnnngggggggggggggggg*
Chineck ko yung phone ko.
Wednesday, July 23 3:07 am
Bakit ba parating 3:07 ako nagigising?!
Pero bakit nga ba palaging si Lorenz ang nasa panaginip ko?! Stalker ko ba yun?! Kaya hanggang sa panaginip ko hindi ako nilulubayan?! Ang creepy!!!! Nakakadiri...
***
"Ken!" sigaw ko. Napansin ko kasing ang tamlay niya.
"Oh ikaw pala Sab." sagot nya. Umupo ako sa bench. Magkatabi kami ngayon... Nagmamasid sa kagandahan ng kalikasan... Enebe, tagalog much xD
"Waaaaaaahhhhhhhhhhhhhh!!!!!!!!!" sigaw ko ng makita kong may laslas siya. "Hoy lalaki! Anong problema mo ha? Bakit ka naglaslas?!?"
Wala namang naging sagot si Kenlley. What's the problem with this guy?!?
"Ano bang nangyayari sayo Ken? Ikaw pa nga nagsabi sa akin na wag na wag kong gagawin ang bagay na yan kasi masama, tapos ito ka, ginawa ang bagay na yan... You're committing suicide Ken."
"Alam ko."
"Alam mo naman pala eh... Eh anong pumasok sa isip mo at ginawa mo ang bagay na yan!?"
"Wala lang."
"Naglaslas ka kasi wala lang? Trip trip lang ganun?! Ano ka ba naman Ken?! Matalino ka naman eh... Mag-isip ka nga ng mabuti. Ano ba ang nangyari at humantong ka sa paglalaslas na yan ha?"
"Sab masakit na eh."
"Wag mong sabihing------"
"Oo Sab. Si Ria. Si Ria ang dahilan kung bakit ko ginawa 'to. Nakipagbreak na siya sa akin. Pinagpalit niya ako sa walang kwentang Lorenz na yan. Sinuko niya ang dalawang taon na pinagsamahan namin para lang sa wala."
"Alam ba yan ni Aya?"
"Hindi."
"Ano ka ba naman Ken. Sana naman, kinausap mo muna kami ni Aya bago ka gumawa ng ganyang bagay. Wag kang padalos dalos Ken. Alam mong masisira ang buhay mo ng dahil sa gagawin mo pero ito ka, tinuloy mo pa rin. Ken ano ba?! Hindi mo man lang ba naisip na hindi lang siya ang nagmahal sayo?!? Tandaan mo Ken, nandito pa ako, si Aya, sina tito at tita, at mga kaibigan mo a walang sawang nagmamahal at magmamahal sayo. Sana naman isipin mo muna na ang sakit na nararamdaman mo, triple ang balik sa amin dahil dyan sa ginawa mo... Sige nga... Alam mo naman na madami ng sinakripisyo sayo sina tito at tita para mapaganda ang buhay mo. Tapos ikaw, dahil dyan kay Ria, itatapon mo lang... Matalino ka Ken... Sana naman naisip mo muna yun bago ka gumawa ng mga ganyang bagay." sabi ko ng medyo maluha luha.
Natahimik naman si Ken. Mukhang nag-iisip na siya...
"Alam mo Sab, may punto ka. Sana pala inisip ko muna na hindi siya kawalan sa akin... Kasi sya iisa lang, eh ang mga nagmamahal sa akin, sandamakmak. Salamat Sab."
"Wala yun Ken."
"Galit ka sa akin?"
"Hindi ako galit sayo. Dun ako galit sa ginawa mo."
"Sorry Sab."
"Ok na Ken." sabi ko. "Halika nga." at niyakap ko sya.
Lorenz Ivan
Bakit?! Bakit ang sakit?!? Bakit ganito ang nararamdaman ko?!? Parang dinudurog ang puso ko... Bakit ba sa lahat ng oras at pagkakataon ngayon ko pa nakita na may kayakap siya.... Na may kayakap si
Kathryn Bernardo?!? Fanboy ako anong kala nyo.... Iniisip nyo siguro kung ano na ano xD Wag ganyan guyth! xD
