Lorenz Ivan
Who: 4th year EP students
When: Friday, July 25 (9 am- 4pm)
Where: School's Auditorium
What: Edukasyong Pagpapakatao Subject Talent Show
Why: Performance output needed to pass the 1st sem
P.S: Ang hindi umattend, BAGSAK!!!
Umagang umaga pa lang, yan na agad ang bumungad sa akin... Buti na lang at wala pang masyadong tao pero nandito na rin si Sabrina.
"Hoy, may talent ka?" tanong ko sa kanya..
"Oo naman..."
"Weh? Niloloko mo ba ko?"
"Magtatanong ka tapos di ka maniniwala..." sabi niya tapos inirapan niya ako. "Ganito na lang...Punta ka sa bahay mamaya, ipapakita ko sayo na may talent ako." dagdag niya
Determinado siya huh... First time xD
Natapos muli ang isang nakakapagod na araw... (sensya, nakakatamad magtype... lalo na sa transition ng oras, venue, etc. sana po maintindihan niyo)
"Hoy! Ano na?! Dalian mo na at magpapractice pa tayo." sabi ko kay Sabrina.
"Ano ba?!? June 27 pa lang... Excited ka?" sabi niya... Eh para polishing na lang a week before the presentation.
"Ano ka ba? Syempre kailangan natin yun para maaga tayo matapos sa practice and para a week before the presentation polishing na lang."
"Blah blah blah... Bilisan mo na nga..."
Friday ngayon, ang bilis 'no? xD, kaya titignan ko kung may talent talaga 'tong partner ko.
"Aba hijo, napapadalas yata ang pagpunta mo dito." bungad ng yaya ni Sabrina.
"May project kasi kami ya... Eh kailangan tulungan namin ang isa't isa.." sagot ni Sabrina.
"Oh siya sige... Umakyat na kayo sa study room at ipaghahanda ko kayo ng meryenda." sabi nung yaya... Cookies and milk tea to malamang...
"Nasaan na ba instruments mo?" tanong ko sa kanya.
"Sandali lang naman kasi... Binubukas ko pa lang 'tong pinto papuntang music room ko di ba?" is she serious? May doorway papunta sa music room? "Oh ayan na. Pumasok ka ng makita mo yung mga pagnanasaan mong mga instruments ko." nang-aasar ba 'to.
Pumasok na ako dun sa Music Room... Ang gara naman... May grand piano, electric piano, acoustic guitar, electric guitar, violin, at lyre... Siya ba nagpa-play nito? O_o
"Oh ano? Ano bang instrument kaya mong i-play?" tanong niya sa akin, sabay abot nung cookies and milk tea na dala ng yaya niya...
"I can play piano, and acoustic guitar..." sagot ko. ''Eh ikaw?" tanong ko.
"Lahat ng instruments na nakikita mo dyan..." sigurado ba siya?
"Weh?"
"Weh ka rin!"
"Anong kanta ba ang maganda sa guitar o piano? Yun na lang para naman madalian na tayo..." pagcha- change topic ko... Nambabara pala 'tong babaeng 'to -______-"
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>><<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<<
Suggest kayo ng kanta please... Yung duet ng isang babae at isang lalaki... Tapos guitar or piano yung gamit na instrument pangplay ng kanta... Thank you! :)