Sabrina Ericka Ramirez
"Sabrina Ericka De Leon Ramirez!!!" ang gumising sa akin mula sa masarap kong pagkakatulog..
"Aya, pwede kalma?" I said. Aya Justine was my bestfriend. Lagi syang ganito... Gigisingin ako sa kakasigaw nya.
"Hoy Sab!"
"Oh?"
"Magka-partner kayo?"
"Nino? Ni Lorenz Ivan Cruz? Yeah yeah."
"O to the M to the G!!! Ahh!!! Dapat ako na lang!!!"
"Hoy babae, umamin ka nga sa akin... Patay na patay ka ba sa heart breaker na yun?"
"Ahh... Ehh...."
"I.... O.... U... Tapos na yung vowels! Sumagot ka oy!"
"Oo na! I like that heart breaker handsome guy." grabe... Pati ba naman ang bestfriend ko nagayuma nun -______-
*knock knock* May kumatok kaya pinutol ko na ang Aminan101 namin ni Aya...
"Sabrina!" sabi ni yaya.
"Po?" sagot ko.
"May bisita kang gwapong nilalang."
"Ha? Eh, ano pong pangalan?"
"Lorenz Ivan daw." Shizz!!!! Bakit ba hindi uso paalam sa nilalang na to?!? Bigla biglang napunta dito sa bahay at aba, pati si yaya nagayuma -_______-"
"Paki-sabi po may klase ako!"
"Anong klase? Sabado ngayon!" sabat ni Lorenz... Uggghhhh! I hate you!!!!!!
"Geh, dyan ka na muna sa baba... Susunod ako."
Nang maramdaman kong umalis na sila, dali dali akong tumayo at naligo.... Nakakainis naman kasi eh! Walang pasabi! Tsk! After ng girly thing bumaba na ako...
"Antagal ha..." sabi nya... Ang kapal mo naman! 7 minutes lang eh... Nahiya naman ako sayo na bigla biglang nasulpot na parang kabute.
"Che manahimik ka!" pagtataray ko... "Teka, ano nga ba ang ginagawa mo dito ha?"
"Malamang gagawa tayo ng task!"
"Ahh... Uso kasi magpasabi ha... By the way, akyat ka na sa second floor, pasok ka sa pinakahuling kwarto sa right side... Nandun na lahat ng kakailanganin natin." pagkasabi ko nun umalis na sya...
Lorenz Ivan Cruz
So, I entered the room na sinabi nyang pasukin ko. The room was full of purple stuffs... Study room nya siguro 'to... Puno ng mga libro eh.
"Oh eto cookies and milk tea." sabi ni Nerd Ramirez sabay bigay sa akin nung snacks na dala nya. "Hoy grabe ka! Pati ba naman mga libro pinagnanasaan mo? Grabe ka na ah... Iba na yan."
"Pinagnanasaan? No... Nagulat lang ako... Sa dami ng mga libro mo dito parang nabasa mo lahat." I said sabay bite sa cookie.
"Game... Saan ba muna tayo magsisimula?"
"Pangalan mo... Pangalan ko... Basta yung basics lang muna..."
"Ge... Ikaw na mauna..."
"Bakit ako? Ikaw na mauna... Nakain pa ko eh..."
"Basta magsulat ka."
"Oo."
"Name: Sabrina Ericka De leon Ramirez
Birth: February 14
Parents: Alyana Ishelyn and Fredrick Nathan Ramirez
Facts:
1. I like the color blue. Pero yung rooms ko pink and purple.
2. Hindi ako madaldal.
3. I like tigers.
4. Cookies and milk teas; that's my life
5. Only child.
6. Loner."
Sabrina Ericka Ramirez
"Oh ano? Nasulat mo?" sabi ko kay Lorenz.
"Oo... Ako pa..." yabang -_______-
"Oh ikaw naman..."
"Name: Lorenz Ivan Cruz... Nevermind my middle initial please.
Birth: September 7
Parents: Malorie Ivana and Kyle Nathaniel Cruz
Sister: Trisha Leigh
Facts:
1. I like black and white.
2. Nagmahal ng sobra, nagmukhang tanga."
"Yun lang?"
"Malamang! Yun lang sinabi ko di ba?"
"K..."
"Geh alis na muna ako... Yan na lang muna..." pagkasabi nya nun ay umalis na sya...
Nagmahal ng sobra, nagmukhang tanga
Nagmahal ng sobra, nagmukhang tanga
Nagmahal ng sobra, nagmukhang tanga
Nagmahal ng sobra, nagmukhang tanga
Nagmahal ng sobra, nagmukhang tanga
Nagmahal ng sobra, nagmukhang tanga
Nagmahal ng sobra, nagmukhang tanga
Nagmahal ng sobra, nagmukhang tanga
Hindi mawala sa isip ko yung sinabi nya... Yun kaya yung dahilan kung bakit sya naging heart breaker?