At dahil nag-vote ka, simula sa simula ng story and nagtanong ka kung kailan ako magu-update, here's Chapter 6. Dedicated 'to sayo... Thanks for supporting my story =* Spread the love <3 Thank you! =)
>>>>>>>>>>>>><<<<<<<<<<<<
Sabrina Ericka
Late na ko! Nakakainis naman kasi eh... Andaming alam ni Aya... Magkasama na kami magdamag kahapon, nagaya pang magskype pagka-uwi..
Habang nagmamadali akong maglakad...
"Ouch..." sabi nung babae. Nabunggo ko kasi siya sa kakamadali...
"Sorry." sabi ko. Tinulungan ko syang tumayo. "Freshmen ka ba?" tanong ko sa kanya.
"Naku hindi po. 3rd year high school pa lang ako." sabi nya.. Eh anong ginagawa ng High school dito sa campus?
"Huh? Eh bat ka napadpad dito? Di ba sa kabilang campus kayo, sa tapat nito? Nagkamali ka ata ng pasok." okay... Tahimik akong tao pero nangbabara ako.
"May ibibigay po kasi ako sa kuya ko.. Nakalimutan nya po kasi." sabi nya sabay pakita nung handbook and isang clearbook.
"Ka-ka-kapatid mo si Lorenz?" nauutal kong sabi.
"Opo... Bakit po tsaka paano niyo nalaman?"
"Nakita ko kasi dyan sa handbook."
"Ahh.. Kilala nyo po siya?"
"Yeah. Classmate ko siya."
"Uhmm.. Ate pwede favor? Pakibigay naman 'to sa kanya oh."
"Sige.." sabi ko sabay kuha dun sa clear book at handbook.
"Thank you ate--"
"Ericka."
"Thank you talaga ate Ericka."
"You're welcome. O sya pumunta ka na sa campus nyo. Pumasok ka na."
"Thanks talaga ate. Bye." sabi nya as she walks toward the school exit. Kapatid ba talaga yun ni Cruz?
"Hoy Ramirez!" sabi ng isa kong kaklaseng payaso. Ang kapal ng make up eh. Kakapasok ko pa lang, mangbabadtrip agad... Tsk!
"Oh? Saan ang kiddie party? Kapal ng make up ha." nagagagaya na ho ako kay Eya :) Nabasa ko kasi yung diary nya... Palaban sya kaya gayahin ko na rin... Tutal naman nabubully din ako tulad nya.
"Anong sabi mo?"
"Wala sabi ko ang ganda mo."
"Buti naman, alam mong panget ka at sana alam mo na rin kung saan ka lulugar." tss... Ako panget? Porket may braces? -.-
"Hoy Ivan!" sabi ko.
"Anong sabi mo?!?" sabi ng kaklase kong mukhang minion.
"Tinawag ko lang si Ivan. Problem?"
"Gosh. Nag-iba na ugali ng nerd na to." bulong nila.
Nilapitan ko si Lorenz. Eh kasi kahit naman na tawagin ko siya, di siya lumapit.
"Oh yan! Clearbook mo at hand book mo." sabi ko sabay hagis sa kanya nung mga gamit nya.
"Bat nasa iyo ito? Magnanakaw ka 'no?" sabi nya... Oh well... Lumalabas na naman ang tunay nyang kulay... Ka-plastikan nito kahapon. Tsk!
"Ako? Ako magnanakaw? Mas mayaman pa nga pamilya ko kesa sa inyo eh... Pinabibigay yan ng kapatid mo."
"Ahh ganun ba."
Yun lang sinagot nya... Ang kapal talaga ng mukha -.- Ang hangin... Pagbintangan ba naman akong magnanakaw... Pektusan kaya kita sa brain.
Lorenz Ivan
Ansama ng tingin ng babaeng yun. Kala mo naman nakapatay ako... Malay ko bang pinabibigay ni Trisha yun -.-
"Sabrina." bulong ko habang kinakalabit ko siya. Sa harap ko kasi sya nilagay ng professor. Aba... Iniisnob ako...
"Sabrina."
"Sabrina..."
"Mr. Cruz, is there a problem with ms. Ramirez?"
"None."
"Wala pala eh. Makinig ka sa lecture ko."
Sabrina Ericka
"Wala pala eh. Makinig ka sa lecture ko." sabi ni prof. Di ko tuloy mapigilang tumawa ng mahina... Karma nya na yan xD
*Ringgggggg!!!!* Breaktime ^^
Pumunta na ako sa locker area para ilagay yung mga modules na ginamit kanina... Para gumaan gaan yung bag ko (kahit sobrang gaan na)... Kukunin ko na lang ulit mamayang uwian.
Habang naglalakad ako, di ko mapigilang hindi ma-curious sa paligid ko... Parang lahat sila naka-tingin sa akin... Tapos di ko maiwasang isipin na pinag-uusapan nila ako... May red card ba ko sa likod? O_o