Chapter 5

1.9K 82 3
                                    



Crappy Blue Thing                                                                                                                                               Written by:Henry_1998

"Gay Specimen"




-Juri

"Maraming Salamat po talaga"nakayuko kong sabi sa Department Head ng HR ng Warren Heights College matapos nila akong tanggapin bilang bagong Librarian Asssitant nila.

malugod kong tinanggap ang kamay ng matanda bago magpasyang lumabas sa opisina at umalis.

masaya akong naglakad papunta sa may Hallway ng school.

tumigil ako ng ilang sandali nang makita si Rafael na naglalakad papunta sa direksiyon ko.

abala ito sa kakabukas ng bag niya.

tumigil siya nang makita ako.

luh?nangyari sa kanya?para siyang nakakita ng multo.

hmmm....ilang araw ko na ba hindi nakakausap?

sandali...2 weeks na pala.

O_O

kumaway ako sa kanya pero tipid na ngiti lang ang binigay niya sa akin tapos dumaan sa kabila.

?

?

?

ano yun?hindi ako pinansin?

aba!walang utang na loob!pagkatapos ko siya hilahin sa banyo at dinala sa hospital,tapos ngayon hindi siya namamansin?

eh di huwag!hmmpp!

mabubuhay ako ng wala siya.

ayokong ma stress.

nagpatuloy ako sa paglalakad para umuwi na sa Condo.

**************

"The First Day(Stressless Day)--Job: Library Assistant"

TING!

agad ko nilingon ang babae na pumindot ng bell sa lamesa ng counter.

iniwan ko muna ang mga libro na nilalagay ko sa bookshelf at hinarap yung babae.

"hihiramin ko to for one day,bukas ko ibabalik"sabi niya.

tinignan ko naman ang libro pagkatapos ti-nype ang pangalan at barcode nito sa computer.nagpasalamat lang ang babae sa akin matapos ko ibigay sa kanya ang libro.

bumalik ako sa ginagawa ko nang bigla ulit tumunog ang bell.

nilingon ko kung sino yun.

tumaas ang kanang kilay ko nang makita si Rafael na abala sa kaka-text sa phone niya,hindi niya ko napapansin kaya naman nagtanong ako.

"Hello Sir,anong kailangan niyo"

tumingin ito sa akin at nakita ko ang gulat sa mata niya.

"oh Ano?"tanong ko.

nagulat ako nang malakas niyang hinampas ang kamay sa libro,dumako ang tingin ko doon,mabilis niya kinuha ang libro at tinago sa likod nito.

sinilip ko yun pero lumayo lang siya.

"Teka,kahapon ka pa,bakit ka ba nagugulat kapag nakikita mo ko?"tanong ko.

"None of your business"sagot nito tapos mabilis na pumunta sa kabilang counter at doon sa Head Librarian siya nakipag-transaction sa libro.

Crappy Blue Thing(boyxboy)(Complete)Love Collide Series 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon