Habag

6.6K 14 0
                                    

Malinaw ang pagdinig ko sa sa ngisngis ng lapis,
Sumusuko na ito, pagod,
Gayun din ang lamnang papel ko,
Sugatan, mahapdi ang bawat salitang nailalapag dito.

Ako'y inaantok na,
Ngunit pilit ginigising ng sigaw ng orasan,
Di ako makatutulog sa gantong kalagayan,
Kahit pa nais ko'y walang mapagsusumpungan.

Pero ako'y pipikit na,
Haharapin ka sa panaginip kung sakali man sinta,
Di na ako magigising kung sakali man,
Pagkat sa ganoong paraan nalamang kita masisilayan.

Silid AralanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon