Luma, maalikabok,
Luma kong pantapak,
Kalunos-lunos ang sitwasyon,
Hanggang sa pinalitan.Pasukan na,
Bukas na bukas,
Masusuot ko narin,
Bagong sibat na bigay sa akin.Pupunta akong may kintab ang pantapak,
Malapit na ngunit ramdam ko ang pagod,
Nangangalay ang mga paa ko't nangigiyak,
Malamang di tatablan kahit ng anong hagod.Ngunit, pansin ito ng mga kamag-aral,
Manghang wala itong bugal,
Ngunit, bakit? Gayun din naman yoong kanila,
Sumasayaw, giliw nakakatwa.Sabay sabay naming linakad ang makintab ding sahig,
Bagtasin ba naman ng may tindig,
Kami, kami nga't walang iba,
Angas, yabang, sagot ng iilang mga mata.Sino nga ba namang di maiinggit,
Ngunit yaong ayaw ko,
Ayokong kainggitan ng ibang mga bata't nakakasalamuha,
Kahit ganito, tingin ko sa sarili ko'y gayunding mababa.Aba, aba, aba, aba,
Uwian nanaman pala,
Bagabag paring pagdusang malaki,
Ang kaninang yaring naiisip ko't ako'y may pagsisisi.Isang hakbang, ikalawa't ikatlo,
Di ko nais iiwas ang paa sa maruming kausukan ng Maynila,
Ang tanging ganda ng makapal na usok at alikabok sa daan,
Wala akong pakealam.Pagkat ito ako, simple't mananatili,
Simple't matipuno sa sariling akin,
Ganto ako't natatangi,
Nagumpisang maalikabok, tangang dumi parin pag-uwi.
BINABASA MO ANG
Silid Aralan
PoesíaMaaga akong pumasok, Dali-daling hinarangan ang sinag ng araw sa tapat, Nakakasilaw, nakakasilaw pero ang sarap ng dala nitong init, Lumalapag sa tainga ko ang mga salitang isa isa nilang sinasambit at inaawit. Nakakaasar, nabinyagan kaagad ang bago...