Kisame

5K 6 0
                                    

Pakiramdam ko ay wala nanamang tungo ang pakikisama,
Nais konang umuwi ngayon na,
Wala akong makausap, walang bakanteng upuan malapit sayo,
Kahit kampi kong hangin, di ka makaatim, galaw mo'y pabago-bago.

Ngunit, subalit, datapwa't linilipad ang utak ko,
Naghahanap ng katiting na pagtingin dyan sa pusu mo,
Napapagod din, hinihingal at nawawaglit ang pag-asa,
Mahirap nga naman kasi, mahirap maging tayo'y iisa.

Isa pang bahagi ng klase na pinapasukan ang diko pa napapansin,
Lugar kung san napapadpad ang lahat ng hangarin,
Sa kisame, sa pagkataas-taas nito'y abot kona,
Pagpatungpatungin ba naman ang lahat ng hangad ko tuwina.

Pagkata ikaw, oo't ikaw,
Kapag tumitingala, ikaw ang natatanaw,
Titiisin ko, lahat ng yesong ibabato sakin, sasaluhin ko,
Maaninag lamang sa itaas ang malikhaing mukha mo.

Silid AralanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon