Abay ako na,
Ang syang humayo't tinawag para sumagot,
Ngunit ano ang aking isusulat?
Ano nga ba?Babaybayin koba ang nakaraan sa atin?
Ilalatag ba ang pag-ibig kong kay lalim,
Idedeltra naba ang sumpaang nawala na lamang?
O magmumukmok nalamang sa panghihinayang?Isa, dalawang minutong pagtayo na,
Wala paring nasusulat sa sinabing pahina,
Napakalaki naman kasi nito,
Paguumpisahan ay di sigurado.Doon sumagi sa isip ko bigla,
Mga sinambit mo bago ka mawala,
Di moko iiwan, bibitawan at kakalimutan,
Hindi, ngunit ako'y lubusan mong nasaktan.Iyon na lamang, isusulat ko lahat,
Sasabihing ito'y kayhang pagmamahal lamang,
Tama! Bravo! Tama, tama't di pumapalya,
Walang maling nakikita ang tao kapag nagmamahal na.Pupudpurin ko ang yesong inihandog para gamitin,
Mga mata'y sa pagsusuri ng kagandahan ko bubusugin,
Kasawian ko'y inyong saksihan, ibuklat ang mga mata,
Kasabay ng mga latak na bumubuhos ay iiyak ang pisara.

BINABASA MO ANG
Silid Aralan
PoetryMaaga akong pumasok, Dali-daling hinarangan ang sinag ng araw sa tapat, Nakakasilaw, nakakasilaw pero ang sarap ng dala nitong init, Lumalapag sa tainga ko ang mga salitang isa isa nilang sinasambit at inaawit. Nakakaasar, nabinyagan kaagad ang bago...