Masarap, sa puwitan, sobrang sarap,
Ngunit kulang sa katuparan ng mga pangarap,
Pagkat nakakangalay,
Walang ibang ginagawa, nakakapagod umupo.Tatayo ako't ikakalat ang iniwan mong abo,
Ipapahayag sa lahat ang nangyari sa pusu kong dinurog mo,
Tatayo ako't sisigaw ng walang takot,
Ibabahagi kung pano moko tratuhing parang iaang salot.Tatayo ako't ipagbubunyi ang nakamtan kong kalayaan,
Sa piling mo'y wala na ngunit nasa akin paring isipan,
Kalayaan ngabang masasambit ang pagsintang bumigay?
Kung sa tingin ng iba lalo na sayo, komplekado lahat ng bagay.Problema mo raw ako,
Iniisip ko ngayo'y sa wakas naging eksakto,
Akalain mo? Utak nati'y nagkapareho?
Yun ngalang sa puso, mas matapat ako.Tatayo ako't sasabibihin kung gaano kita kamahal,
Kung gaano ako nasaktan nung nalaman kong dina tayo magtatagal,
Ipapalahaw ko kung gaano kahapdi at kasakit na iwanan mo,
At ako'y uupo, ngunit gaya mo, iniwan ako ng dapat na uupuan ko.
BINABASA MO ANG
Silid Aralan
PuisiMaaga akong pumasok, Dali-daling hinarangan ang sinag ng araw sa tapat, Nakakasilaw, nakakasilaw pero ang sarap ng dala nitong init, Lumalapag sa tainga ko ang mga salitang isa isa nilang sinasambit at inaawit. Nakakaasar, nabinyagan kaagad ang bago...