Marka

409 1 0
                                    

Ang araw na hinihintay ng lahat ay narito na,
Kunahan ng nagliliparang marka,
Kukunin at itatapon ang nalalaman,
Para sa kinabukasan ay mayroong paglagyan.

Nakikita moba? Nakikita moba?
Aking pinagbubutihan para sayo sinta,
Dugo't pawis, oras at lakas,
Alay sa bawat hakbang na binabagtas.

Maingat na hinihimay ang mga sitwasyon,
Ginawa ka, itinuring ka, ikaw ang inspirasyon,
Dala ng paglipad ng mga matataas na numerong ito,
Sanay makita't lumapit kang muli sa puso ko.

Kung sakali man, kuna sakali lang naman,
Ang lahat nang gawa'y ikaw, sayo, tangi kong dahilan,
Siguro'y mas maganda na ito, na sa tabi ko'y wala ka,
Nagagawa ang dati'y hindi ngunit para parin sayo sinta.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 05, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Silid AralanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon