Maingay ang pagkikiskisan ng papel ko't lapis,
Tunog ang taglay kong paghihinagpis,
Kasabay ng patak, kamay ng orasan,
Waring ayaw magpatalo, lalong lumalaban.Nakikita ko ang sarili sa pisara,
Yaring kamay ko ang sa wala'y nagpipinta,
Ano ngaba iyon? Isang madilim na panulat?
Malabo ang hukay at 'diko masukat.Isa, dalawa, sa ikatlong patak, sumigaw sa kabaliwan,
Nakawala sa kadena ng kawalan,
'Di alintana ang tinging mapanlait,
At mga salitang yaong kay pait.Nasiraan, nawalan ng malay tao't nagasal hayop,
Tining ng mata, di matigil sa pag-ikot,
Nabahiran, nadampihan ng saltik,
Nasapian, nakain ng lintik.Apat, lima, anim, ikapito!
Di na mawari ang gagawin ko,
Maliwanag! Maingay, sa wakas, muling nakarinig,
Alingawngaw ng pamilyar na tinig.HUSTIN! Dinig ko rin ang tawanan sa paligid,
Mapanghusgang uri sa akin nakatitig,
Ako pala'y nahimbing, nahimbing sa bagal ng takbo,
Ngunit alam ko, alam kong lahat ng nakita, lahat ay totoo.
BINABASA MO ANG
Silid Aralan
PoetryMaaga akong pumasok, Dali-daling hinarangan ang sinag ng araw sa tapat, Nakakasilaw, nakakasilaw pero ang sarap ng dala nitong init, Lumalapag sa tainga ko ang mga salitang isa isa nilang sinasambit at inaawit. Nakakaasar, nabinyagan kaagad ang bago...