Xavier's POV
Andito nako sa bahay nila Xandra kanina pa. Maaga talaga ako pumunta kasi yun ang sabi niya sakin kagabi. At andito na din yung mga kaibigan niya sa salas nila. Pero siya wala pa, panigurado tulog pa yun. Kahit kailan talaga. Haha.
Hinahanap ko yung kapatid niya pero di ko makita kaya yung isa mga kaibigan na lang niya ang nilapitan ko.
Ahm, Hi. Saan banda yung kwarto ni Xandra dito? Kailangan ko na kasi siya gisingin eh. " sabi ko dun sa kaibigan niya. Di ko tanda ang pangalan eh. Di kasi ako magaling sa ganun.
Ah, dun sa may right side. Umakyat ka sa secong floor tas right side. Yun na yun. " sabi niya
Ah, thank you" sabi ko sabay punta akyat sa may second floor nila Xandra. Panigurado tulog na Xandra ang maabutan ko dun. Puyat nanaman kasi yun kagabi kasi mag kausap kami.
Pagkarating ko sa second floor tas nag lakad ako papunta sa right side. May naabutan ako. Si Xander. Andun siya sa pinto ng kwarto ni Xandra nakatayo lang. Nag iintay siguro na lumabas si Xandra. Alam kong may gusto pa siya kay Xandra. Nararamdaman ko yun. Pero ayoko mag patalo. Kasi sa 3 taon na mag kasama kami ni Xandra dun ko siya nakilala ng totoo. At dun ko na din siya natutunan mahalin.
Ehem" kunwaring ubo ko para mapatingin sakin si Xander. At effective naman yung pag ehem ko kasi napatingin siya sakin.
Andyan ka pala. Bakit andito ka? Pupuntahan mo ba siya?" tanong niya.
Oo, gigisingin ko kasi siya eh. E ikaw? Bakit andito ka?"
Napadaan lang ako. Ah, sige. Una nako sa baba. May susunduin din kasi ako. " sabi niya at tumango na lang ako sa kanya. Hindi ako naniniwala na napadaan lang siya dito kasi nasa kabilang side ang kwarto ng mga lalaki. Tsaka sa nakikita ko kwarto lang ni Xandra ang nandito. Tsk. Masyado kang halata, Xander.
Inintay ko muna makaalis si Xander tsaka ako pumasok sa kwarto ni Xander. At ang akala ko yung Xandra na tulog na tulog ang maabutan ko. Pero nag kamali ako kasi si Xandra nag aayos na ng gamit niya.
Ang aga mo ah. Hindi pa kita nagigising pero gising kana. Ano nakain mo? Haha" sabi ko sa kanya.
Wala. Excited lang. Haha. Pupunta tayo sa beach ah. Kasama natin mga kaibiigan ko. " sabi niya. Kaya pala maaga nagising.
Kaya naman pala. Saang beach? Yung samin na lang ba? "
" Pwede ba tayo dun? "
Oo naman. Ano? Dun na lang tayo ah. Para wala na din tayong gastos. Haha.
Okay. Dabest ka talaga e no? Haha" sabi niya. Nang uto pa eh. Haha.
![](https://img.wattpad.com/cover/13354359-288-k470898.jpg)