Xavier's POV
Alam kong malaki akong tanga kasi pinakawalan ko si Xandra. At ako pa ang gumawa ng paraan para magalit siya sakin at magkusa na siya na hiwalayan ako. Pero lahat naman yun may dahilan. Di ko din ginusto to.
3 weeks kami di nag kita ni Xandra. Sinadya ko yun. Nung inaya ko siya makipagdate. Yun na talaga yung last na magkasama kami. Kasi yung susunod na araw nun aasikasuhin ko na yung pagpapakasal ko sa ibang babae. Hindi ko ginusto magpakasal pero wala akong choice kundi sundin ang magulang ko. Maghihirapan kami kung hindi akko magpapakasal saa babaeng yun. Siya lang ang pwede tumulong samin para di mahirapan ang pamilya ko.
At sa 3 weeks na yun dun din nagawa yung pagpapakasal namin. Labag man sa loob ko pero tinuloy ko pa din kahit di ko mahal yung babae. Nag pakasal ako sa iba kahit si Xandra ang mahal ko.
Pinagkatiwala ko si Xandra kay Xander. Siya lang ang alam kong pwede mag alaga kay Xandra bukod kay Xannnon. Kinausap ko siya pagkatapos namin magdate ni Xandra nun.
*Flashback*
Iniintay ko si Xandra sa coffee shop na malapit kela Xandra. Nakuha ko yung number niya nung hiniram ko yung phone ni Xandra dati.
Bakit bigla kang nakipagkita? Ano problema mo? Kung dahil yun sa inistorbo ko kayo kanina, di ko sinasadya yun" sabi niya bigla.
Hindi yun. Xander di nako magpapaligoy ligoy pa. Pero ibibigay ko na sayo si Xandra. Hindi na kami pwede, Xander. Kaya please sana alagaan mo siya. Wag mo siya pababayaan. Ikaw na lang ang alam kong pwede mag alaga sa kanya bukod kay Xannon" sabi ko sa kanya at siya tinignan niya na lang ako ng nag tataka. Alam ko naman kasi talaga na nakakapagtaka yung sinasabi ko ngaun sa kanya.
Magpapakasal nako, Xander. Walang alam si Xandra dun. Nung nakita mo kami kanina yun na yung last na magkakasama kami. Simula bukas hindi nako mag paparamdam sa kanya. Kaya sana ikaw na ang bahala sa kanya. Wag kang lalayo sa kanya kahit sabihin niya na lumayo ka sa kanya. Kasi kapag sinasabi niya na lumayo ka sa kanya ang ibig sabihin niya dun wag kang umalis. Alam kong mahal mo pa si Xandra kaya may tiwala ako sayo." sabi ko uli sa kanya
Bakit mag papakasal ka sa iba? Diba mahal mo si Xandra? Bakit kailangan mo siya paasahin? Sana nung una palang sinabi mo na sa kanya. Sana nung una palang nakipaghiwalay kana sa kanya. Pero hindi mo ginawa. Pinaasa mo siya ng pinaasa. Hindi mo alam kung gano siya masasaktan dahil sa gagawin mo" sabi niya. At kitang kita ko na nagagalit na siya sakin. Alam ko naman na gago ako dahil sa ginawa ko eh. Magpapakasal nako sa iba pero di ko inayos yung problema ko kay Xandra. Sa tingin niya kami pa din kahit hindi na.
Mahal ko siya, Xander. Pero kailangan ko magpakasal sa iba para sa pamilya ko. Hindi ko din ginusto gawin yun, okay? Napilitan lang din ako. Binibigay ko na sayo si Xandra. Sayo na siya. Hindi nako makikielam sa inyo. " sabi ko pero bigla niya na lang akong sinapak. Dapat lang naman sakin to. Dapat lang sakin tong mga nangyayare sakin.
Gago ka! Hindi laruan si Xandra na pwede mo ibigay kahit kanino or kahit anong oras! Sa tingin mo porket binigay mo siya sakin magiging masaya ako ha? Xavier, binigay mo nga siya sakin pero hindi yung buo! Sira mo siyang binalik sakin, Xavier. SInaktan mo siya tas ako ang gagawa ng paraan para mabuo uli siya. Sana nung una palang kung alam mong mangyayare to sa inyo, sana binalik mo na siya sakin. Hangga't hindi pa malalim yung sira sa kanya. Pero ngaun malaking sira ang magagawa mo sa kanya. Alam kong alam mo na mahal ka din niya. " sabi niya. At hindi nako nakasagot. Tama naman siya eh. Sana nung una palang nakipaghiwalay nao kay Xandra. Kasi sa una palang naman alam ko na mangyayare sakin to eh. Pero pinilit ko pa din yung gusto ko. Pinilit ko pa din maging masaya kahi saglit lang. Pero hindi ko naisip yung pwede mangyare kay Xandra pagkatapos nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/13354359-288-k470898.jpg)