Xander's POV
Ilang weeks na nung huli namin nakita si Xandra. Alam kong galit siya sakin kasi nasabi ko yung di dapat masabi sa kanya. Pero hindi niyo naman kasi ako masisisi kasi yun ang nakita kong ginagawa niya.
Nag tataka ang barkada kung bakit di nagpapakita or nag paparamdam si Xandra samin. Ilang beses namin tinatanong si Xannon pero wala naman kaming makuhang sagot sa kanya. Masyadong tahimik si Xannon pagdating sa kapatid niya.
Ano ba nangyayare kay Xandra? May alam ba kayo? Naninibago nako sa kanya eh. Unang una nung nag bar tayo. Halos idikit na niya yung sarili niya kung kanino. E hindi naman siya ganun. May nangyare ba na hindi namin alam ha?" Sabi bigla ni Yiesha. Pero di ako sumasagot. Ayoko magsalita.
Ano? Walang magsasalita sa inyo? Sasapakin ko kayo kapag di kayo nag salita" sabi niya uli at agad akong tinignan ni Xannon. Di kasi kaya magtago ni Xannon sa mga kaibigan niya.
Sabihin mo na, Xander" sabi ni Xannon kaya napatingin agad sakin sila Yiesha. Tsk. No choice nako kundi magsalita.
Wala na si Xandra at Xavier. Kaya ganun ang ginagawa niya nung nag bar tayo. Gusto niya siguro makalimot kaya ganun ang ginagawa niya" sabi ko at tinanong nila kung bakit daw nag hiwalay sila Xandra kaya ako naman sikwento. Nakwento ko lahat. Tsk. Di ako mag pwede mag tago lalo na kay Yiesha. Nalalaman niya agad kung may tinatago kapa o wala na.
Sure kayo na wala na sila ha? Xander, ano pa tinutunganga mo jan? Kung simulan mo na kaya ligawan diba? Baka mamaya maunahan ka nanaman jan. Ikaw din" sabi ni Yiesha.
Hindi pwede, Yiesha. Kailangan muna niya makamove on." Wabi ko.
Anong move on pinagsasabi mo jan? Ikaw ang mahal nun, Xander. Simula nung bumalik siya dito alam kong ikaw pa din ang mahal niya. Pilit niya tinatago at sinasabi na nakamove on na siya sayo pero ang totoo hindi pa. Kasi mahal kapa din niya." Sabi ni Yiesha. Pero hindi ako naniniwala.
Hindi ako naniniwala, Yiesha. Ayoko na umasa. Kasi kung mahal niya ko sana una palang bumalik na siya sakin diba? Sana una palang iniwan na niya si Xavier. Pero hindi. Kasi mahal niya si Xavier at hindi ako." Sabi ko at nakatanggap ako agad ng batok kay Yiesha. Langya talaga. Bakit napakabrutal niya?
Tanga ka! Mahal ka niya pero si Xavier importante lang sa kanya. At pagkakaiba lang. Mas importante sa kanya ang halaga ng isang tao kesa sa taong mahal niya. Ayaw niya mawala sa buhay niya yung mahalagang taong yun sa kanya. Natatakot siya na mawala sa kanya yung mahalagang tao sa buhay niya. Kaya alam mo ang mas magandang gawin kesa tumunganga ka jan ha? Manligaw ka at gawin mong importante ang sarili mo sa kanya. Importante kana sa kanya mahal kapa niya. Kaya for sure mas mahihirapan siyang mawala ka sa buhay niya. Kasi dalawa ang hawak mo sa kanya" sabi niya at ako naman napaisip. May chance pa pala ako. Pero di ko alam kung pano ko sisimulan lalo na galit siya sakin. Tsk.
Kuya Xannon, asan si Xandra? "tanong ni Yiesha.
