Chapter 12

48 4 17
                                    

Xandra's POV

Gabi na din nung nakauwi kami ni Xavier. Namasyal pa kasi kami eh. At ngaun andito kami sa loob ng tinutuluyan namin. Lahat kami andito. Tahimik nga eh. Tsk. Di ako sanay, parang nakikiramdaman kaming lahat. Pero habang nakikiramdaman kami kumakain ako ng ice cream. Ito yung binili namin kanina ni Xavier. Ayoko kasi muna isipin yung mga problema kaya kakain na lang ako. 

Uuwi na tayo bukas. May event kaming pupuntahan at guest kami dun kaya di kami pwede di pumunta. " sabi ni Kuya Xannon. At pagkasabi niya nun nabitawan ko bigla yung kutsara na hawak hawak ko.

Xandra, may problema ba? " tanong ni Kuya Xannon

Ha? Wala, kuya. Dumulas kasi sa kamay ko yung kutsara kaya nabitwan ko" pagsisinungaling ko. Tsk. Napapansin ko na simula na napunta kami dito wala akong ginawa kundi ang mag sinungaling sa kanila.

Ah, okay. So yun nga aalis na tayo bukas ng umaga dito. Kasi kailangan pa namin mag practice para sa event na pupuntahan namin sa susunod na araw. May balak ba kayo panoorin kami?" sabi niya samin Di agad ako nakasagot kasi kinakabahan ako. Hindi pa ako ready. Kasi ang akala ko maag tatagal  pa kami dito pero mukhang nag kamali ako.

Pupunta kami, siyempre. Susuportahan ko yung lalabs ko tas kailangan ko siya ilayo sa mga babaeng linta sa event no" sabi ni Yiesha at natawa na lang sila. Oo, sila lang. Hindi ko kasi magawa sa tumawa ngaun.

Ah, sige. Mag enjoy na kayo ngaun. Yun lang. Mauuna nako sa inyo. Inaantok nako" sabi ni kuya Xannon. Ang aga naman niya matulog. E mga 8pm palang ata eh.

Antukin -_- " sabi ni Xamara at napatingin kami bigla sa kanya. 

E? Hindi ako antukin no. O baka naman ayaw mo pa ako patulugin kaya sinabi mong antukin ako? Haha" sabi ni Kuya Xannon

ASA! Bahala kana nga. Matulog kana dun. Di ka kailangan dito. Shoooo! " sabi ni Xamara

Sus. Ayaw pa umamin. Haha. Alam mo Xamara pwede naman ako di matulog ng maaga kung sasabihin mo lang eh. " sabi ni kuya Xannon habang nakangiti ng nakakaloko. Mapang-asar talaga eh. Haha.

Parehas antukin nag usap. Hahaha! " sabi ni Yiesha

Destinnnnnnnnnnnnny! *o* " sabi ko at masamang tingin ang nakuha ko kay Xamara. Haha. Ayaw na ayaw niya kasi na sinasabi namin ang destiny sa kanila ni Kuya Xannon. Kahit destiny naman talaga sila.

Tumigil ka, Xandra -_- At Xannon, lumayas kana nga. Tsk. Masyado kang kampante jan. Layas na. -_-" sabi ni Xamara at natawa na lang ako sa kanya. Haha.

E pano kung ayaw ko lumayas? Haha. Alam mo ang sungit sungit mo sakin. Wala naman akong ginagawa sayo" sabi ni kuya Xannon

It Started With A GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon