Xandra's POV
3 weeks na simula nung nag date kami ni Xavier. Pero pagkatapos nun di na siya kumocontact sakin. Tsk. Busy siguro kaya ganun. Siya na kasi yung nag mamanage ng business nila. Siya lang kasi yung nag iisang anak kaya no choice siya kundi sumunod sa gusto ng magulang niya na magtarabaho agad kahit di pa dapat.
Nag text ako sa kanya kanina na pupuntahan ko siya ng 12pm sa office niya at sabay kaming kakain. Pero di naman siya nag reply. Kaya kahit walang reply niya pupunta pa din ako. Baka kasi sa sobrang busy niya di na niya inaalagaan ang sarili niya kaya dadalahan ko siya ng pagkain na niluto ko.
Papunta nako sa office nila. Maaga pa naman kaya sure ako na maabutan ko siya sa loob ng office niya kung sakaling di niya nabasa ang text ko. At sinadya ko din na pumunta ng maaga para madami kaming oras. Haha. Namiss ko na din kasi siya eh.
.
.
.
Nasa office na niya ko. At nasa tapat na ng secretary niya. Kailangan pa kasi dumaan dito eh. Tsk. Masyadong mahigpit. Tsk.
Hi. Andyan si Xav?" sabi ko dun sa secretary at bago siya sumagot tinignan niya muna ako maigi. Tsk.
Nasa loob po siya ng office niya. Sino po sila?" sabi niya
Busy ba siya? Xandra Yeon. Girlfriend niya. Pwede naman ako pumasok diba? Nag text naman ako sa kanya na pupunta ako ngaun kaya expected na niya" sabi ko ng nakangiti. Mabait naman kasi siya kausap. Haha. Mag mamaldita lang ako kapag maldita ang kausap ko.
Hindi naman po. Po? Girlfriend ka po ni Sir Xavier? Pwede naman po. Pero kasi po" di na niya natuloy yung sinasabi niya kasi bigla na lang ako nag thank you sa kanya at umalis. Haha. E bakit ba? Excited nako makita yung makakasama ko habang buhay eh. Haha.
Nasa tapat na ako mismo ng office niya. Kakatok sana ako kaya biglang nag bago ang isip ko. Di ko alam kung bakit. E hindi ko ugali na hindi kumatok bago pumasok. Pero parang iba kasi ang pakiramdam ko eh. Kapag di kasi ako kumatok may chance na makita ko yung totoong ginagawa niya. At kapag kumatok naman ako may chance na may baguhin siya sa ginagawa niya. Ewan ko ba. Napapraning na ata ako. Tsk. Malaki naman tiwala ko kay Xavier kaya may tiwala ako sa kanya na di siya gumagawa ng kung ano sa likod ko.
Pumasok nako sa loob ng office niya. At kitang kita ko kung ano ang ginagawa niya. Bigla na lang nagsituluan ang luha ko. Bakit ganito? Gusto ko siya lapitan at tanungin kung bakit ganun ang naabutan ko. Pero imbis na lumapit ako tumakbo na lang ako palabas at hinayaan yung pagkain na dala ko sa lapag ng office niya.
Xander's POV
Nag iintay ako sa labas ng building ng company nila Xavier. Iniintay ko si Xandra. Papunta kasi ako sa kanila nung nakita ko siya napaalis at sumakay sa taxi. Kaya ako sinundan ko na lang. Hanggang sa makarating ako dito kakasunod. Tsk.
Nakita ko siya na palabas ng building na umiiyak. Tsk. Kaya agad akong bumaba sa kotse ko at nilapitan siya. Alam ko na kung dahilan kaya siya umiiyak. Ginawa na ni Xavier yung sinasabi niya sakin. At alam kong masasaktan ng sobra si Xandra dun.
![](https://img.wattpad.com/cover/13354359-288-k470898.jpg)