Day 9

163 4 0
                                    

Nagulat na lang ako ng makita ko si Clark sa tapat ng bahay namin. Anong oras palang ah? 8am. Right. Ano namang gagawin niya dito ng ganon kaaga? Iba din trip ng lalaking to eh.

Pero masaya ko, para kasing nakita ko na si Carl ng dahil sa kanya. Magkamukha talaga. Malamang, twins eh.

Agad akong bumaba at sinalubong si Clark.

“Clark. What brought you here?” tanong ko.

“Baka lang kasi wala kang kakainin. Naisipan kong dumaan para ipagluto ka.” Wow. Ang sweet naman niya. Ang bait talaga.

Tatanggi pa ba ako sa grasya? Tanga na lang kung tanggihan ko pa to. Baka mauwi na naman sa instant noodles ang breakfast ko.

“Ah. Tamang tama, hindi pa ko kumakain eh. Ang ganda ng timing mo.”

Pumasok na kami sa bahay. Dumiretso siya sa kitchen. Sabi ko naman sakanya, feel at home lang. total naman, ipagluluto niya ko.

“Bahala ka na kung anong pwedeng maluto dyan.” Sabi ko sa kanya.

“Sige.” Sagot niya.

Nasa sala lang ako, nanonood. Pero di ko maiwasan panoorin siya mula dito.

Naalala ko nung unang beses niya ako pinagluto. Ganitong ganito din yung nafeel ko eh. Sobra yung paghanga ko sa kanya..

Nakita niya kong nakatingin kaya ngumiti siya. Ngumiti din naman ako. Si Carl.. ay mali. Si Clark pala. Bakit ko ba iniisip si Carl? Eh si Clark ang kasama ko? Ang sama ko naman, iba na talaga tama ko kay Carl.

Natapos na siyang magluto at inaya na ko sa dining table.

“Eggs, bacon, hash brown and French toast with hot chocolate for you Loriezze.” Nakangiti niyang sabi.

Wow. Complete meal. Kahit walang kanin, mabubusog ako nito.

“Grabe naman. Para akong nasa America nito eh.” Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya. So ganoon? Gagamitin niya yung charms niya para sumagot? Okay lang. ang gwapo niya kapag ngumingiti eh.

Nagsimula na kaming kumain. Pero wala pa ring nagsasalita. Syempre, masama ngang magdaldalan tuwing kakain. Pero, naiirita ko sa sobrang tahimik eh.

“Hmmm.” Sabi ko. Anong klase yun?

“Bakit?” tanong niya.

25 Days Of Summer Love (Completed)Where stories live. Discover now