Day 24

168 6 0
                                    

I’m still sleepy. Ngayon nga pala ang schedule ng enrollment ko. Hay. Tinatamad ako. I ate my breakfast. Buti may katulong dito, di na ako magtitiyaga sa chocolate! Haha.

Miss ko na talaga si Clark. Isang araw pa lang ang nakalipas, di ko na kaya, paano pa ako maghihintay? Gaano pa katagal?

 I took a bath and get dressed. Hinatid na ako nung driver namin sa university na papasukan ko. Geez. Ang daming tao. Malamang enrollment. Pero, yung pila! I can’t take that! Ang init init pa oh? Hay. Maarte na kung maarte. Ayoko pumila. Pero no choice eh! Tsk.

Pumila na ko para matapos na kaagad. Sana mabilis lang ‘to. Nagsosoundtrip lang ako habang naghihintay sa pila.

“Miss, matagal pa ba?” kahit nagsosoundtrip ako, narinig ko yung nagsalita. Familiar ng boses. Hindi ako sumagot baka kasi hindi ako yung tinatanong, mapahiya pa ko.

Kinalabit ako nung nasa likod. Pero hindi ako lumingon. “Miss, matagal pa ba yang pila?” okay. Ako yung tinatanong niya.

“Malamang.” Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya. Tanga ba siya o bulag? Ang init init na nga, pinapaint pa ulo ko! Ang haba ng pila oh? Malamang matagal pa ‘to. aish!

“Ang suplada mo naman.” Sabi pa niya. Ano bang paki niya?

“Yeah right. I don’t have time for strangers.” Sabi ko ng hindi pa rin tumitingin. Baka mas lalo lang uminit ulo ko kapag nakita ko pa yung pagmumukha niya eh. So mean Loriezze.

Bigla na lang siyang umalis sa pila. Oh well, wala akong paki. Familiar yung boses niya, pati yung parang likod niya.. Kilala ko ba yun? Hindi naman siguro..

At sa hinaba-haba ng pila, natapos din ako. My IPod saved me from boredom! Naglibot muna ako sa university habang hindi pa ako sinusundo nung driver namin.

Marami ng nagbago.. may bagong facilities na napatayo. Tapos bagong pintura din yung ibang buildings. Ready na para sa pasukan.

Umupo ako sa bench malapit sa soccer field. Ang sarap ng simoy na hangin. Pati may puno pa na humaharang sa sikat ng araw. Perfect talaga tong tambayan namin.

Sana nandito si Clark.

May tumapik sa balikat ko. OMG! Baka si Clark!

“Clark?” sabi ko.

“Sino naman yun?” si Jude lang pala. Ang aking best bud. Sorry naman. Sa sobrang pag-iisip k okay Clark, akala ko siya na eh.

“Jude! I miss you!” I gave him a tight hug.

“Sabin a, dito kita mahahanap eh.” Sabi niya while tapping my back.

“Fave tambayan natin ‘to eh.”

“So what’s up? Ano nangyari sa summer mo?” tanong niya.

I told him everything! From day 1 na hindi ako sinama nila Mama sa Macau.. Na sabi niya eh first time ko daw hindi magtravel for summer vacation. Pati yung mga experience ko sa QC without his presence. Siya kasi lagi kong kasama dito sa Manila. Hindi siya yung BI na tinutukoy ni Mommy. Besides, they like him. Sabi pa nga bagay kami. Pfft. He’s my best friend!

Pati yung si Clark and Carl. Lahat nung nangyari between the three of us. Kasama na doon yung feelings ko for them na naiba dahil sa power of love. Haha.

And up to Day 23 na iniwan ako ni Clark with his promise. Tama ba? iniwan? Oo. Iniwan naman niya talaga ko, ang pagkakaiba, babalikan niya daw ako. I hope so.

“Lucky girl huh? Baka naman magselos sa akin si Clark!?” sabi niya.

“Hindi yon. He’s kind.” Sabi ko.

25 Days Of Summer Love (Completed)Where stories live. Discover now