Day 22

173 4 0
                                    

Hay. Destiny. Destiny talaga na hindi kami para sa isa’t isa. Ilang beses ko na ba sinabi yan? Gusto ko nga siya, gusto niya nga ako, eh ayaw naman ng tadhana na magsama kami. The eff!?

Tama na. Nakakapagod na umasa. Nakakasawa na maghintay sa wala.

Nagpunta ako sa mall para maglibang. Trinoma to be exact. Kahit ako lang mag-isa, carry yan. Basta may pera.Paralang makalimot sa sakit.. Oh, charot lang!

I spend the whole time sa Fully Booked. Nagbasa lang ako ng libro dun. Sossy ko nga eh, ginagawa ko lang library yung store na yun.

Mga banding 4pm, nagpunta ako sa TGIF. Sa may garden yun ng Trinoma. Kumain ako. Malamang. Nakakainggit nga eh, ako lang ata ang alone sa resto na yun. Oh, Forever Alone.

Pagkatapos kong kumain, naglibot ako.

May nakita akong familiar na face.

“Kilala ko siya eh.” Sabi ko sa sarili ko.

Sino nga yun?

Processing..

Syet.

Nasa dulo na ng dila ko ang kasagutan..

Ah! Si Kara! Si Karang mukhang anghel na ubod ng landi? Waahahaha. Yung maswerteng fiancé ng taong gusto ko? Ahhhh!

Teka, sino yung kasama niya? Hindi kaya siClarkyun? Nakatalikod eh, paano ko malalaman? Imposibleng siya yun.. Feeling ko lumipad na yun papuntang Tate eh!

Hmm. Baka boylet lang niya. Di talaga ako nagkamali, malandi siya.

Lalapitan ko nasanasiya para batiin, oo babatiin ko siya, dahil matutuloy na kasal nila ni Clark. Psh.

Nang biglang.

Tumalikod ako sa kanya.

Hindi pwede ‘to.

Yung kasama niya.

Si?

Hindi talaga pwede.

Bakit niya yun kasama?

Akala ko ba?

Ahhhhhhhhhhhhhhhh.

Naramdaman ko na lang na tumutulo na yung luha ko. Maraming nakakakita sa akin kaya tumakbo na ako palayo.

Tumakbo ako kung saan ako dalhin ng mga paa ko.

Ang sakit.

Akala ko gusto niya ko, pero bakit si Kara ang kasama niya? Nakapalupot pa yung kamay ni Kara sa braso niya. Niloloko niya ba ako?

Si Clark. Kasama niya si Kara. Nandito siya.

Napahinto ako. Nasa garden na naman ako. Ano bang meron dito at dito ako dinala ng paa ko?!

Napaupo na lang ako sa sobrang sakit.

Gusto ko lang naman siya. Eh bakit umiiyak ako? Syempre, nasaktan. Yun lang yun. Hangga’t maaari, pigilan mo siyang mahalin, Loriezze, kasi ikaw lang din masasaktan..

Pero paano mo ba malalaman kung mahal mo na yung isang tao?

Alam ko lang naman yun dahil kay Kenji. At si Kenji, imagination lang.

Mahal ko na ba siClarkkaya ako nagkakaganito?

Patuloy na bumubuhos yung luha ko. Naramdaman ko na lang na may kamay sa balikat ko. Pagtingin ko, panyo kaagad ang nakita ko. Kinuha ko yun kahit hindi ko alam kung kanino yun.

Matapos kong magpunas ng luha. Nakita ko na ng malinaw kung sino yung nag-abot ng panyo sa akin..

Si Kara.

“Uhm. Thanks.” Mahinang sabi ko.

“Bakit ka ba umiiyak?” tanong niya. Ano bang dapat kong gawin? Tarayan siya? Ewan. Alam ko naman na mabait siya, naging OA lang ako kasi nagseselos ako sa kanya..

“Ano. Uhm. Wala, trip lang. hehe.” Palusot ko.

“Wag mo ngang lokohin yung sarili mo, Loriezze.” Seryoso niyang sabi. Napatingin ako sa kanya.

“Ano bang alam mo?” tanong ko.

“Lahat. At ikaw ‘tong nagmumukmok sa wala.” Ha? Hindi ko siya magets!

“Alam mo pala lahat, bakit nagtatanong ka pa?” mataray na sabi ko. Ayokong malaman niya na mahina ako. Ayokong malaman niya na dahil sa isang lalaki na kasama niya kanina ang dahilan kung bakit ako umiiyak.

Hinwakan niya yung kamay ko. “Believe me, yung nakita mo kanina, siClarktalaga yun. Nandi-”

“So?” sabat ko sa kanya.

“Patapusin mo muna ako.” Inirapan ko lang siya, pero sa totoo lang, nakikinig ako. “kasama ko siya, kasi nagpapatulong siya sa akin.. tungkol sayo. Ikaw kasi, kaya ka nagkakaganyan ng dahil sa katangahan mo eh.”

Ako pa? ako pa ngayon ang may kasalanan? At ano? Katangahan ko? Pffft!

“Sinabi na sayo ni Carl na ikaw yung gusto ni Clark, tapos nung nakita mo kami kanina, mag-iiba na naman yung pinaniniwalaan mo. May tiwala ka ba talaga kay Clark? Bakit ayaw mo maniwala? Ano naman kung kasama niya ko? Bawal na ba yun? Pati kami na nung taong gusto ko, which means na hindi na matutuloy yung kasal namin.”

Hindi ako umiimik. Nagulat ako eh. Na yung jinudge kong si Kara, eh mabait talaga. Namisunderstood ko siya. “Kaya kung ako sayo, sundan mo si Clark.. Pumunta yun sa bahay niyo. Sasabihin na daw niya lahat-lahat. Hindi ka daw niya pagsasalitain.”

Napangiti ako sa sinabi niya. Bigla ko na lang siyang niyakap.

“Sorry.. Pati, salamat ng marami.” Bumitaw siya sa yakap ko.

“Wala yun, gusto ko, happy ending din kayo ni Clark. Wag ka ng iiyak ah?” nagnod lang ako.

“Sige na, puntahan mo na siya, hindi niya alam na nandito ka eh, di ko na nasabi kasi nagmamadaling puntahan ka.”

Gusto ko pa sana siyang makausap, pero kailangan ko din puntahan si Clark.

Niyakap ko ulit siya at tuluyan ng umalis.

Sumakay kaagad ako ng taxi pauwi.

Pagkababa ko ng taxi, nakita ko nga siya. Si Clark. Bigla na lang may nagform na smile sa mukha ko.

“Clark.” Sambit ko.

Napangiti siya nung nakita niya ko, niyakap ko siya ng mahigpit.

“I love you Loriezze.” Sabi niya.

Pero, parang mali eh.. Parang.. Nanlalabo yung mata ko, hindi naman ako umiiyak? Masaya ako kasi nandito na siya. Nanatili pa rin siyang nakayakap sa akin. Pero unti-unting nanlalabo yung mata ko. Hanggang sa.. nawala na siya sa paningin ko..

AN: Nyenye. Sorry naman sa late at panget na update. Wala na kasi yung inspiration ko kaya I came up with this waste. LOL.

Pero, wait niyo next UD. For sure, matutuwa na kayo sa akin. Hahaha. Last 3 chapters na lang. :)

Thanks.

Smileys, Allia

25 Days Of Summer Love (Completed)Where stories live. Discover now