Naguguluhan na ako.
Gusto ko si Carl.
Pero mukhang gusto ko na din si Clark.
Nakalimutan ko na gusto ko si Carl ng dahil sa nangyari kahapon.
Yung halik niya sa forehead ko, hindi ko pa rin makalimutan. Forehead lang yun ah? Paano pa kaya kung sa lips? Ay, gusto pala.
Bakit niya nga ba ginawa yun? Ibig sabihin ba gusto niya ko?
Iniisip ko yung mga nangyari sa amin kahapon, ayun, I found myself smiling.
Siguro nga gusto ko na rin siya.
Di naman masama magkagusto sa dalawang tao diba?
Yun ang alam ko..
Clark Legaspi..
Clark Legaspi..
What?
Naglog-in ako sa FB account ko. Yeah, it was him. Kralc Ipsagel = Clark Legaspi!
Ang stupid ko! Ngayon ko lang narealize!
I clicked accept friend request and a pop-up came.
Him: Loriezze. At last! Inaaccept mo na ko. :)
Me: Sorry. Akala ko kung sino eh.
Him: Hmmm..
Me: What?
Him: Wala.. You know what, I’ve been thinking of someone.
(Sana ako iniisip mo, Clark.)
Me: Talaga? Sino?
Him: You don’t know her. Pero magkaparehas kayo ng ugali.
(Huwaw. Masaya sana kung ako mismo eh, parehas lang pala ng ugali. Psh. Wala lang pala yung kiss para sayo.)
Me: Wow. Mahal mo?
Him: Parang?
(Edi mahal mo! Kayo na! sige.)
Me: Ah..
Him: But I think she likes someone else.. And that someone else is close to me.
(Eh ang malas mo pala Clark, ang sakit nun!)
Me: I’m sorry. Eh sure ka ba?
Him: Not so, pero nasesense ko.
Me: What if your wrong?
Him: Then, I would be the happiest boy in the world. May chance pa ko!
Me: That’s the spirit. Tulungan kita?
(Ang tanga, tulungan daw? Eh paano pagka nagkatuluyan sila? Ako naman masasaktan. Engot. Parang ganito din ginawa k okay Carl, ang tulungan siya kay Faith.)
Him: Wag na. Okay lang.
(Edi wag. Psh.)
Me: Parehas tayo ng sitwasyon.
Him: What do you mean?
Me: May ibang gusto yung taong gusto ko.
(Ikaw yun. Dapat kasi ako na lang eh.)
Him: Really?
Me: Oo. It hurts. So much.
Him: Kung ganoon, bagay pala tayo eh! LOL.
(Sana wala na lang yung “LOL” kahit alam kong joke nga lang.)
Me: Crazy! :)
Him: Crazy for her.
(Aray naman! Tagusan?)
Me: You like her that much huh?
Him: Yeah. I’ll do anything for her. Kahit i-sacrifice ko pa happiness ko para sa kanya.
Me: Grabe ka naman. Perfect!
Him: Thanks. I’ll take that as a compliment. :P
(Wtvr. Magpapaalam na ko, masakit na eh.)
Me: Yeah. Good night!
Him: Sweet dreams Loriezze. :)
Hey Clark. Napakamanhid mo naman.
Ngayon. Alam ko na tunay na nararamdaman ko. Alam ko na kung bakit ako nagkakaganito.
I like Carl.
But,
I like Clark even more.
YOU ARE READING
25 Days Of Summer Love (Completed)
Teen Fiction"Summer means travelling." That's what Loriezze Dee thought. But when she found out that her summer vacation would not be the usual one, like travelling, her life changes. Changes that made her read love stories that she found too boring and corny a...